Miss Colombia Ariadna Gutierrez: "Everything happens for a reason."

That awkward moment. After being announced as the winner of Miss Universe 2015, the crown was taken from Colombia (left) to be placed on the head of the true winner, Miss Philippines (right).


“Everything happens for a reason, so I’m happy.”

Ito ang reaksiyon ng mangiyak-ngiyak na si Miss Colombia Ariadna Gutierrez matapos ang kontrobersiyal na eksena sa katatapos lang na Miss Universe 2015 pageant, na ginanap sa Las Vegas, Nevada, nitong Lunes ng umaga, December 21, sa Pilipinas.

Makikita ang maiksing video sa Facebook page ng Miss Universe kung saan kinunan ng reaksiyon si Miss Colombia matapos bawiin ang korona sa kanya at iputong sa rightful winner, si Pia Alonzo-Wurtzbach ng Pilipinas.

Mala-teleserye ang eksena sa beauty pageant matapos magkamali ang host na si Steve Harvey na i-announce na si Colombia ang nanalong Miss Universe 2015.

Makalipas ang ilang sandali, itinama ni Harvey ang kanyang pagkakamali at idineklarang ang Philippines ang Miss Universe ngayong taon.

Pahayag pa ni Miss Colombia, “I’m happy for all what I did, for becoming this dream. So I’m so happy. Thank you all, thank you for voting for me.”

Samantala, humingi rin ng paumanhin ang Miss Universe Organization sa insidente, sa pamamagitan ng isang official statement na ipinost sa kanilang official Facebook account:

“The excitement of live TV was evident tonight on The Miss Universe stage with over 10 million live fan votes tabulated. Unfortunately, a live telecast means that human error can come into play.

"We witnessed that tonight when the wrong winner was initially announced.

"Our sincerest apologies to Miss Universe Colombia, Miss Universe Philippines, their families and fans.

"We congratulate Miss Universe Philippines as Miss Universe 2015."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN