Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach on Miss Colombia: "I did not take the crown from her."

Miss Universe 2015 Pia Alonzo-Wurtzbach says that she had mixed emotions when she found out the real results. While she was happy to have won, she felt concerned for Miss Colombia Ariadna Gutierrez.


Nagsalita si Miss Universe 2015 Pia Alonzo-Wurtzbach kaugnay ng malaking pagkakamaling nangyari sa announcement of winners sa katatapos pa lamang na prestihiyosong beauty pageant sa Las Vegas, Nevada, nitong Lunes ng umaga sa Pilipinas, December 21.

Nagkamali ang host na si Steve Harvey sa pag-anunsiyo ng winner nang tawagin niya ang Colombia (Ariadna Gutierrez) bilang Miss Universe.

Subalit pagkalipas ng ilang sandali, itinama niya ito at sinabing ang Philippines ang nanalo ng korona at 1st runner-up ang Colombia.

Read: Miss Universe 2015 host Steve Harvey apologizes for "honest mistake" in announcing the winner

Sa isang post-pageant interview pagkatapos ng mala-teleseryeng edition ng Miss Universe ngayong taon, humarap si Pia sa international press para sa kanyang kauna-unahang interview bilang Miss Universe 2015.

Inamin ni Pia na magkahalo ang kanyang emosyon dahil inakala niyang hindi niya nasungkit ang korona noong una, at pagkalipas ng ilang sandali ay sinabihang siya pala ang nagwagi.

“Actually, the two emotions that I’m feeling right now is joy that I won, but also concern for Ariadna.

"That’s why it was a little bit of a confusion for me and didn’t know exactly how to express myself on stage, because those were the two emotions I was feeling that time,” sagot ni Pia sa isang reporter sa isang video ng PowerhousePH, ilang oras pa lang ang nakalilipas ngayong Lunes.

Watch video: Miss Universe 2015 PIA WURTZBACH || First Media Interview

Humingi rin ng paumanhin si Pia sa nangyaring kalituhan, pero kanyang nilinaw na hindi niya inagaw ang korona mula kay Ariadna.

“With what happened, again, I’m very sorry. I did not take the crown from her.

“I wish her well with whatever she wants to pursue after this pageant,” ani Pia sa isa pang video na ipinost naman ng TFC correspondent na si Bev Llorento sa kanyang Facebook account.

Sabi pa ni Pia sa unang video, hindi pa rin siya makapaniwala na siya ang nanalo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Everything is still sinking in. I actually asked for a mirror backstage because I wanted to see it [crown] for myself.

“It’s a different feeling, having the crown on my head and actually seeing myself in the mirror.

“Wearing it, that’s when I know it actually happened.”

Hindi na rin daw makahintay na makauwi ng Pilipinas si Pia at ibahagi ang kanyang korona sa mga mahal niya sa buhay.

“It’s surreal. I can’t wait to share my victory to my family and my friends and my countrymen.

"I can’t wait to bring back home the crown and I’m finally gonna be able to do that. I’m so happy."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN