Activist groups not pleased with Pia Wurtzbach's answer on US military presence in Philippines

Pia Alonzo Wurtzbach's answer to the question if US military presence in the country be allowed becomes controversial as militant leaders react on social media.


May ilang militanteng grupo at pulitiko ang nag-react sa naging sagot ni Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach sa unang round ng question-and-answer portion ng prestihiyosong beauty pageant na ginanap sa Las Vegas, Nevada, nitong Biyernes ng gabi, December 20 (Lunes ng umaga, December 21, sa Pilipinas).

Nakapasok sa Top 5 si Pia at ang tanong sa kanya ay kung pabor ba siya sa presence ng mga US military base sa Pilipinas.

Sagot ni Pia, dati nang may magandang relasyon sa pagitan ng Pilipinas at Amerika at wala raw siyang nakikitang masama kung sakaling magkaroon ng US military presence sa bansa.

“I think that the United States and the Philippines has always had a good relationship with each other. We were colonized by the Americans and we have their culture and our traditions even up to this day.

"And I think we're very welcoming with the Americans and I don't see any problem with that at all.”

Isa sa mga nag-react sa naging sagot ni Pia ay ang Gabriela party-list na hinimok ang beauty queen na pag-aralan ang history ng relasyon ng Pilipinas at US pagdating sa usaping presensiya ng US military sa bansa.

Sa pahayag ni Rep. Emmi de Jesus ng Gabriela, pinuri niya ang sagot ni Pia sa second question-and-answer portion nang sinabi nitong gusto niyang isulong ang HIV awareness sa Pilipinas.

Pero umaasa si De Jesus na magbabago pa ang pananaw ni Pia pagdating sa pagkakaroon ng base militar sa Pilipinas.

“We commend her for raising the issue of HIV-AIDS as one problem that needs to be addressed globally.

"However, we view that her position in favor of US military presence in the country contradicts her concern for humanity.

"We hope she will have a change of mind and heart on this issue by learning the history of our nation under US colonial rule,” saad ni De Jesus sa kanyang pahayag.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Binanggit pa ni De Jesus ang kaso ng transgender woman na si Jennifer Laude, na iniulat na pinaslang ng isang sundalong Amerikano sa Olongapo noong October 2014, gayundin ang “other criminal abuses” sa Pilipinas na kinasangkutan ng mga sundalong Amerikano.

Isa sa mga nagpetisyon ang Gabriela na kinokontra ang legalidad ng Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA) sa pagitan ng US at Pilipinas.

Salungat din si Bayan Muna party-list Rep. Teddy Casiño sa naging sagot ni Pia tungkol sa nasabing isyu.

Pahayag ni Casiño sa kanyang tweet, “She could have at least acknowledged that there are problems that have to be addressed re. US bases in PH.”

Dagdag niya, “Pag uwi ni Pia she should be briefed by Gabriela on the issue of US troops in PH to help her get a better perspective.”

Gayunpaman, nag-tweet din ang dating mambabatas na gusto niyang maiuwi ni Pia ang korona.

Samantala, naniniwala naman si Bagong Alyansang Makabayan Secretary General Renato Reyes Jr. na hindi “fair” ang tanong na ibinato kay Pia dahil makakaapekto sa kanyang pagkapanalo kung "no" ang isinagot niya.

Pahayag ni Reyes sa kanyang blog, “Saying 'NO' to US troops, in front of a predominantly American crowd, would likely harm her chances of winning. Perhaps she wasn’t prepared to take that risk.”

Dagdag pa niya, naging safe na lang si Pia sa kanyang sagot. 

“She went with the 'safe' and 'popular' answer, at least for the home crowd and the organizers which included Donald Trump.”

Gayunpaman, umaasa si Reyes na magiging bukas ang isip ni Pia pagdating sa pagbibigay ng opinyon hinggil sa isyu.

“Our history of American colonization was brutal and nothing to be proud of. I hope she would find time in the future to sit down with the victims of abuses by US troops, many of whom are women,” ani Reyes.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi rin sang-ayon dito si presidential candidate at Senator Miriam Defensor-Santiago na nag-tweet at nagsabing gusto niyang makausap si Pia pagbalik sa Pilipinas upang pag-usapan ang posisyon ng bagong Miss Universe tungkol sa US military presence sa bansa.

Tweet ni Santiago: “Congratulations, @piawurtzbach! You are regal. But from what I've heard, we need to talk. See
you! #MissUniverse2015.”

Nagsumite ng resolusyon noong nakaraang taon si Sen. Santiago kasama si dating Akbayan party-list Rep. Walden Bello, para sa pagpapawalang-bisa ng Visiting Forces Agreement sa pagitan ng Pilipinas at Amerika.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN