Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach posts first selfie after dramatic win

Pia Wurtzbach was crowned 64th Miss Universe on Sunday night, December 20 (US time), at The AXIS theater in Planet Hollywood, Las Vegas, Nevada.


Matapos ang madramang coronation night ng Miss Universe 2015 nitong Linggo, December 20 (December 21 sa Pilipinas), nakapag-post na si Pia Alonzo Wurtzbach ng kanyang unang selfie bilang Miss Universe.

Suot ni Pia sa litrato ang kanyang korona habang nakalapag naman ang kanyang Miss Universe sash.

Sa kanyang caption, nagpasalamat si Pia sa lahat ng sumuporta sa kanya.

Ang buong caption ng kanyang post: "42 years of drought and now it finally reigns :) Mabuhay! Maraming salamat po sa inyong lahat � #MissUniverse #MissUniverso #ConfidentlyBeautiful"

Kabilang sa mga napanalunan ni Pia bilang Miss Universe ay one-year scholarship sa New York Film Academy College of Visual Performing Arts, living expenses at luxury accommodations sa isang New York City apartment, one-year supply of CHI Haircare products at Image Skincare products, wardrobe mula sa Chinese Laundry Shoes at Yamamay swimwear, a year-long salary bilang Miss Universe, isang custom-made diamond tiara mula sa D.I.C, at marami pang iba.

Matatandaang umani ng batikos ang host na si Steve Harvey matapos nitong mai-announce ang maling winner ng Miss Universe 2015.

Agad naman siyang humingi ng sorry kay Pia at kay Miss Colombia Ariadna Gutierrez at maging sa fans at viewers ng Miss Universe.

Read: Pia Wurtzbach is Miss Universe 2015!

Bukod dito, naging viral din ang post-pageant interview ni Miss Germany Sarah Lorraine Reik para sa Missosology nang ipahayag ang kanyang pagkadismaya sa naging resulta ng kumpetisyon ngayong taon.

Read: Miss Germany not happy with Miss Universe 2015 results: "No one of us voted for Philippines."

Sa kalagitnaan ng kontrobersiya, umulan din ng congratulatory messages sa Twitter at iba pang social media para kay Pia mula sa celebrities at former beauty queens.

Read: Local, international celebrities congratulate Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN