Gloria Diaz and Margie Moran proud of Pia Wurtzbach's Miss Universe victory

Hanggang ngayon ay ipinagbubunyi pa rin ng mga Pilipino sa iba’t ibang panig ng mundo ang pagkapanalo ni Pia Wurtzbach sa Miss Universe 2015. Ito rin ang naging damdamin ng dalawang Miss Universe na galing sa Pilipinas na sina Gloria Diaz at Margie Moran, kung saan ipinagmamalaki nila si Pia na tinapos nito ang 42 taong pagiging mailap ng Miss Universe crown sa bansa.


Pinapurihan nang husto nina Miss Universe 1969 Gloria Diaz at Miss Universe 1973 Margie Moran si Pia Wurtzbach, ang kinoronahang Miss Universe 2015 sa kontrobersiyal na pageant na ginanap kahapon, December 21, sa Las Vegas, Nevada.

Tinuldukan na raw kasi ni Pia ang 42 taong pagiging mailap ng Miss Universe crown sa Pilipinas.

Read: Pia Wurtzbach is Miss Universe 2015!

Saad ni Gloria sa panayam sa kanya ni Mario Dumaual ng ABS-CBN News, “Forty-two years, that’s a long time.

"Three kids after. Yeah, that’s a blessing.

“Her dress was awesome. Albert Andrada [fashion designer], you’re great."

Sabi naman ni Margie, “I think it would take time before we forget what really happened and we’ll focus on who the real winner is.

“I was watching with excitement until the very end.

"I feel sorry for both candidates and for Miss Philippines, her glory was stolen from that moment.

“She didn’t even get to walk in the aisle… nevertheless she won."

Ang tinutukoy ni Margie rito ay ang pagkakamaling nagawa ng host ng Miss Universe 2015 na si Steve Harvey.

Sa halip kasi na Philippines ang ianunsiyo niya bilang Miss Universe ay Colombia ang kanyang nasabi.

Matapos ang halos dalawang minuto, bumalik ito sa gitna ng entablado at inamin ang kanyang pagkakamali.

Ipinakita pa niya ang cue card kung saan nakasaad doon na si Miss USA ang 2nd runner-up, si Miss Colombia ang 1st runner up, at si Miss Philippines ang Miss Universe.

Read: Miss Universe 2015 host Steve Harvey apologizes for "honest mistake" in announcing the winner

Dagdag pa ni Gloria, “She will always be remembered… kasi okay na na naging first runner-up, mas okay pa nag-Miss Universe, di ba?”

Namangha rin sina Gloria at Margie sa kagalingan ni Pia sa pagsagot sa question-and-answer portion ng Miss Universe.

Sa Final 5 ay tinanong si Pia kung ano posisyon niya sa presence ng US bases sa Pilipinas.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sagot niya: “I think that the United States and the Philippines has always had a good relationship with each other. We were colonized by the Americans and we have their culture and our traditions even up to this day. And I think we're very welcoming with the Americans and I don't see any problem with that at all.”

Sa final question naman para sa Final 3 ay ito ang naging sagot ni Pia: “To be a Miss Universe is both an honor and a responsibility. If I were to win Miss Universe, I will use my voice to influence the youth and I would raise awareness to certain causes like HIV awareness that is timely and relevant to my country which is Philippines.I want to show the world, the universe rather, that I am confidently beautiful with a heart. Thank you.”

Sabi ni Margie tungkol sa mga naging sagot ni Pia, “She answered very well. She’s very confident, a very good review I think for her personality.”

Pahayag naman ni Gloria, “The first answer for me is playing to the Americans. Fine. Of course, I love America, take me with you.

“But, the second answer was really very inspiring. And I think that was click.”

Gusto naman ni Gloria na patawan ng multa ang Miss Universe host na si Steve Harvey sa kahihiyang sinapit ni Pia at 1st runner-up Ariadna Gutierrez ng Colombia.

Dapat daw magbayad ng $100,000 si Harvey kina Pia at Miss Colombia.

“CONFIDENTLY BEAUTIFUL WITH A HEART.” Nakiisa naman si Ms. Charo Santos-Concio, ang outgoing ABS-CBN president and CEO, sa tagumpay ni Pia na dating miyembro ng Star Magic.

Aniya, “I am delighted to join my fellow Filipinos in congratulating Pia Alonzo Wurtzbach on winning the Miss Universe 2015 pageant and making all our kababayans proud around the world.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pia’s success is one of dedication and determination—she held on to her dreams, worked hard, and along the way inspired people to keep believing in themselves.

“A Star Magic alumna, Pia is a true example of a Filipina who is 'confidently beautiful with a heart.'

Sa Instagram naman ni Pia, nag-post ito ng kanyang kauna-unahang selfie matapos mapagwagian ang korona.

Isa sa mga hasthtags na ginamit niya dito ay #ConfidentlyBeautiful.

Ayon sa kanyang caption, “42 years of drought and now it finally reigns :) Mabuhay! Maraming salamat po sa inyong lahat? #MissUniverse #MissUniverso #ConfidentlyBeautiful

Read: Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach posts first selfie after dramatic win

Ayon naman sa Star Magic head na si Johnny Manahan, sinabi sa kanya ni Pia apat na taon na ang nakararaan na isang araw ay magiging Miss Universe siya.

Sa kanyang mensahe, sinabi ni Mr. M na, “Four years ago, Pia told Star Magic that she would one day be Miss Universe. Today, it looked like it was not meant to be.

“But then it was magic time in Vegas, and she made good on her promise. Hats off to you, Pia! It was really meant to be.”

“BABAWI TAYO SA MISS UNIVERSE.” Samantala, marami rin ang nagsasabing tinupad talaga ni Pia ang kanyang mga nabitawang salita noon.

Katulad na lamang noong nakarang Mayo kung saan nag-tweet siya matapos matalo si Manny Pacquiao kay Floyd Mayweather Jr.

Umani man ng kaliwa’t kanang batikos mula sa netizens ang tweet niyang ito, tila hindi naman binigo ni Pia ang lahat sa kanyang tinuran.

Dahil dito, binati rin siya ng Pambansang Kamao sa kanyang Facebook account.

Ani Manny, "Congratulations to Miss Philippines. May God bless you."

Sa Instagram, binati rin siya ng asawa ni Manny na si Jinkee Pacquiao.

Sabi niya, “Confidently beautiful with a heart. Congratulations Pia Wurtzbach! We are so proud of you. Indeed, in God's perfect time He gave you the crown.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN