Kris Aquino on ex-husband James Yap: "He's not prepared to take all the responsibilities of parenting."

Kris Aquino on ex-husband James Yap: "It's not my struggle because I know hindi ako nagkukulang. I think it's his trouble because maybe he's not prepared to take all the responsibility of parenting."


Hindi napigilang ilabas ni Kris Aquino ang hinanakit sa dating asawang si James Yap nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa kanyang solo presscon para sa kanyang Metro Manila Film Festival (MMFF) entry na All You Need is Pag-ibig kahapon, December 21.

Sabi ng Queen of All Media, "It's not my struggle because I know hindi ako nagkukulang.

"I think it's his trouble because maybe he's not prepared to take all the responsibilities of parenting.

“Eto, I'm sure hindi ito trip ni Derek [Ramsay, her co-star in All You Need is Pag-ibig] na i-share ko, pero, di ba, ang dami niyang pinagdaanan?

"Pero today, dapat kasi magte-tape, pero nakiusap siya kasi susundo siya sa airport kasi dadating yung anak [Austin].

“So, pag nakikita mo yung ganun, mapi-feel mo, di ba? At iyon, nag-DNA [test] pa iyon and everything, pero may ginagawa.

“So, bakit iyong naka-short-lived relationship ko na prinayoritize yung mga anak, possible iyon, e.

"So, parang ang feeling ko, 'Bakit sa anak ko, hindi ginagawa?'"

Okay lang ba kay Kris kung humingi si James ng oras sa kanya na makasama si Bimby?

Sagot ni Kris, “He doesn't have to ask for time. Pumunta ka lang sa school.

"There is no rule that says huwag kang magsundo. Never.

"Walang humaharang sa iyo na daanan mo. Mag-drive thru kayo.

“Eto lang, ha. Kung yaya nga [ni Bimby], kinut short ang honeymoon, kasi alam nga na ganun ka-heartbroken [si Bimby].

"Ang buong mundo, nakita kung gaano ang iniyak ni Bimb.

“Lahat sa Philippines naki-cry sa amin. He [James] never even called to check on the kid."

Patuloy niya, "So, parang minsan naiinis na talaga ako na palalabasin nila na ako ang may problema. Hindi ako po iyon.

“Kasi, parang ginagampanan ko po lahat and hindi ko hinaharangan.

"Ang problema lang siguro, hindi ko naman kayang pilitin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ang dali naman, e. Hindi mahirap i-love ang anak mo."

Anong suporta ang kailangang ibigay ni James para sa movie nila ni Bimby?

"Magpa-block screening siya," tugon ni Kris.

JAMES’S  GIRLFRIEND. Ina-appreciate naman daw ni Kris ang Italian girlfriend ni James na si Michela Cazzola dahil nag-e-effort ito para maging close kay Bimby, lalo na pag magkasama sila.

"I like her from the start because number one, she made an effort na iluto ng carbonara na gusto ni Bimby.

"Second, nag-research siya ng masarap na pizza.

"Third, every time na magkikita sila, mayroon siyang... not only for Bimb, but also for Kuya [Josh, Kris's eldest son].

“Di ba, hello, mas bongga pa nga siya!

"Sa totoo lang, pag mabait sa anak mo, pag love ang child mo, you're so happy, you love the person. Siya, bongga.

“Hindi naman niya kailangan maging nice, pero ginagawa niya.

"Pag mabait kasi sa anak mo talaga, lahat tayo may soft spot tayo talaga.

“Pag yung anak mo ang napaligaya, or ang nanay mo ang napaligaya, happy ka na."

Ipinagtanggol pa ni Kris si Michela sa fans niya nang inaaway nila ang girlfriend ni James.

Kuwento ni Kris, "Kasi mayroon akong fans, and then I saw they have posted in her account some mean stuff.

"And I said, 'Girls, huwag kayong ganyan. Kayo nga nahe-hurt kayo pag ako ang bina-bash.' And she's been nice.

“Sabi ko, 'Bawiin niyo iyan tapos mag-sorry kayo.'"

Sinunod ba siya ng fans niya?

Tugon ni Kris, “Yeah, in fairness.

"Tapos sinabi ko kasi na yung ganung mentality, tanggalin natin.

"Kasi kung mabait naman talaga at maganda ang ipinapakita, huwag nating pakitaan ng masama.

“And I always tell them, ‘Identified kayo sa akin, so mayroong reflection iyan.’"


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN