Miss Colombia Ariadna Gutierrez says Miss Universe moment will always be with her

Miss Colombia Ariadna Gutierrez says Miss U moment will always be with her.


“Everything happens for a reason.”

Ito ang mga katagang binitawan ni Miss Colombia Ariadna Gutierrez sa isang video interview sa backstage pagkatapos ng kontrobersiyal na Miss Universe 2015 pageant.

Nagkamali kasi ang host ng event na si Steve Harvey sa pag-announce niya ng Miss Universe winner at first runner-up.

Una niyang inanunsiyo na si Miss Colombia ang nanalo at first runner-up si Miss Philippines Pia Wurtzbach.

Subalit pagkalipas ng ilang sandali ay nilinaw niyang nagkapalit ang nanalo, kaya’t binawi ang korona kay Miss Colombia at ipinutong kay Pia.

Pero sa recent posts ni Ariadna sa kanyang Instagram account, tila hindi pa rin niya matanggap ang pangyayari.

Sa una niyang post kahapon, ilang oras pagkatapos ng Miss Universe pageant, ipinost ni Ariadna ang larawan niya nang koronahan siyang Miss Universe.

May caption itong “Por siyempre tu Miss Universo! Colombia!!!” na ang translation ay “Your forever Miss Universe.”

POR SIEMPRE TU MISS UNIVERSO!! COLOMBIA !!!!!!! #misscolombia

A photo posted by Ariadna Gutierrez Arevalo (@gutierrezary) on

Sa sumunod na post ni Ariadna, photo collage ito ng larawan niya suot ang korona at Miss Universe sash at ang pagyayakapan nila ni Miss Universe 2014 Paulina Vega, na mula rin sa Colombia.

Caption ni Ariadna: “This moments will always be with me #missuniverse #misscolombia #backtoback Lo logramos COLOMBIA!” na may translation na “your back-to-back achievement Colombia.”

?? This moments will always be with me #missuniverse #misscolombia #backtoback Lo logramos COLOMBIA!

A photo posted by Ariadna Gutierrez Arevalo (@gutierrezary) on

Samantala, umabot na ng libu-libo ang comments sa mga nasabing post ni Ariadna, kung saan mababasa ang maraming sagutan sa pagitan ng Filipino fans at Colombian fans.

Dahil sa kontrobersiya na naganap, maging ang open online encyclopedia na Wikipedia ay nagkaproblema sa entry na Miss Universe 2015, dahil may mga Colombian umano na pilit binabago ang resulta na nakasulat sa entry.

May note pa ang editor ng Wikipedia na hinihimok ang ilan na huwag palitan ang resulta at isulat ang Colombia bilang Miss Universe 2015.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN