Grace Poe disqualified with finality by Comelec en banc

Tuluyan nang ibinasura ng Commission on Elections (Comelec) en banc ang certificate of candidacy ni Senator Grace Poe sa pagka-pangulo ng bansa para sa 2016 elections. Ayon sa source ng 24 Oras ng GMA, bukas pa, December 23, ilalabas ng komisyon ang kanilang desisyon tungkol sa pagkadiskwalipika ng mambabatas sa halalan.


Tuluyan nang diniskwalipika ng Comission on Elections (Comelec) en banc ang kandidatura ni Senator Grace Poe sa pagka-presidente sa 2016 elections.

Ito ay matapos na katigan at pagtibayin ng pitong commissioners ang naunang desisyon ng First and Second Division ng Comelec na nagpawalang bisa sa certificate of candidacy (COC) ni Grace dahil hindi pa rin niya napatunayang natural-born Filipino siya at kulang umano ang kanyang residency requirement para tumakbo.

Ngayong Miyerkules, December 23, pa raw ilalabas ng Comelec ang naturang desisyon.

Pero ayon sa ulat ng 24 Oras ngayong Martes ng gabi, December 22, mayroon silang very reliable source na nagkuwento tungkol sa naging desisyon ng Comelec.

Ayon naman sa nakapanayam ng 24 Oras na si Comelec Commissioner Rowena Guanzon, bumoto na sila sa kaso pero ayaw niyang idetalye kung ano ang naging proseso ng botohan.

Kung bakit natagalan ang paglabas ng kanilang desisyon ay sa kadahilanang pinag-aralan daw nila nang maigi ang dalawang motion for reconsideration na isinumite ni Poe matapos ibasura ng dalawang dibisyon ng Comelec ang kanyang kandidatura.

Hindi naman daw pinayagan ng komisyon na tanggalin ang pangalan ni Poe sa balota na sisimulan nang i-encode sa computers bukas, December 23.

Inaasahang idudulog ng kampo ng senadora sa Supreme Court ang kanilang apela.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN