Miss Universe judge Niecy Nash confirms unanimous vote for Pia Wurtzbach

Kinumpirma din ng isa pa sa mga hurado ng Miss Universe 2015 na si Niecy Nash ang nauna nang ibinunyag ng entertainment blogger na si Perez Hilton na unanimous nga ang boto ng apat na hurado para kay Pia Wurtzbach.


Sinegundahan ni Niecy Nash, ang isa sa apat na hurado ng Miss Universe 2015, ang sinabi ni Perez Hilton na unanimous ang naging boto ng apat na judges para kay Miss Philippines Pia Wurtzbach upang tanghaling Miss Universe 2015.

Read: Miss Universe judge Perez Hilton: "Miss Philippines came to win, Miss Colombia came to lose."

Bukod kina Niecy at Perez, kasama rin nilang nag-judge ng Miss Universe 2015 sina Miss Universe 2012 Olivia Culpo at National Football League star Emmitt Smith.

Binigyan din ng kapangyarihan ang netizens at iba pang mga kandidata na pumili ng karapat-dapat na maging bagong Miss Universe.

Sabi ni Niecy sa kanyang Instagram account (@niecynash1), kalakip ang larawan nilang apat at ni Pia: “#missuniverse2015#msphilippines #thejudges Across the board she had our votes.”

#MissUniverse2015 #MsPhilippines #TheJudges Across the board she had our votes???

A photo posted by niecynash1 (@niecynash1) on

Sa isa pa niyang post, sinabi ni Niecy na nagkaroon ng pandemonium sa loob ng The AXIS theater ng Planet Hollywood Resort and Casino, sa Las Vegas, Nevada, nang maling pangalan ang natawag ng host na si Steve Harvey bilang Miss Universe.

Ikinatuwa naman niyang agad na humingi ng paumanhin si Steve sa kanyang pagkakamali.

Sa panayam naman niya sa Entertainment Tonight, sinabi ng American comedian-actress, “It was hard, because when all the girls came down at the end they didn't congratulate the real winner, which was Miss Philippines.

"Most of them went over to Miss Colombia because they knew her heart was breaking.”

Naawa naman siya kay Miss Colombia Ariadna Gutierrez sa sinapit nito.

Aniya, “Sending love to#misscolombia so sorry this happened to you. You are a star!#MissUniverse2015.”

Sending love to #misscolombia ????????? so sorry this happened to you. You are a star! #MissUniverse2015

A photo posted by niecynash1 (@niecynash1) on

Sa huli, nag-post din siya ng selfie nila ni Miss Universe Pia Wurtzbach. Caption niya, “And the winner is #MissPhilippines #MissUniverse2015."

And the winner is???????????? #MissPhilippines #MissUniverse2015

A photo posted by niecynash1 (@niecynash1) on


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN