Andrea del Rosario denies she and ex-boyfriend Renan Morales have reconciled

Andrea del Rosario on her personal life: "Gusto ko lang naman linawin na kami ni Renan [Morales], though he was my ex-boyfriend, we are just special friends now. Ngayon kasi pareho na ang passion namin when it comes to politics. Pareho kaming tatakbo sa magkaibang positions in government for 2016."


Hindi blue ang kulay ng Christmas ng former Viva Hot Babe na si Andrea del Rosario dahil may nagpapangiti sa kanya ngayon.

Ito ay walang iba kundi ang former race car champion na si Renan Morales.

Kilala sa mundo ng extreme sports si Renan, na dati ring na-link sa former sexy star na si Jeni Hernandez.

Kilala rin si Renan bilang kauna-unahang Pinoy na nanalo ng Asian Ferrari Challenge Cup noong 2005-2006.

Inamin ni Andrea na ex-boyfriend niya si Renan at nag-reconnect lang sila after 12 years.

“Gusto ko lang naman linawin na kami ni Renan, though he was my ex-boyfriend, we are just special friends now.

“Ngayon kasi, pareho na ang passion namin when it comes to politics.

“Pareho kaming tatakbo sa magkaibang position in government sa 2016.

“Nagtutulungan lang kami because both our teams are helping one another,” sabi ni Andrea nang makapanayam siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong December 22 sa Heat Restaurant, EDSA Shangri-La Hotel, Mandaluyong City.

PASSION FOR POLITICS. Tatakbo bilang vice mayor ng Calatagan, Batangas si Andrea samantalang konsehal naman sa San Antonio, Nueva Ecija ang minimithing posisyon ni Renan.

Kahit magkalayo ang kanilang mga lugar, nagagawa raw nilang magkaroon ng panahon na tulungan ang isa’t isa.

Lahad ni Andrea, “Nagawa naman na namin, e.

"Noong meron akong ginawang medical mission sa Calatagan, sinamahan ako ni Renan.

 “When he also did a mission sa Nueva Ecija, I was there naman for him.

“Bigayan lang kaming dalawa. Parang sa politics lang.

“Since magkakilala na kami noon pa, we both know our strengths and our weaknesses.

“May times kasi na parang sinasabi namin ang diperensiya ng isa’t isa. That’s okay because alam namin, e.

“That will help us learn through the process of this new world na pinasok naming dalawa.

“Bagito kaming pareho sa politics and we have to learn from our mistakes along the way.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

RECONCILIATION? Hindi kasal si Renan bagamat may apat na anak na siya sa magkakaibang babae. Single mom naman si Andrea sa kaisa-isang anak.

Iginiit ng aktres na wala pang nagaganap na reconciliation sa kanila ni Renan.

Sabi niya, “Kailangang may reconciliation talaga?

“Kami ni Renan, we are okay na ganito ang situation.

“Walang problema kapag friends lang kayo.

“Better this way muna dahil mas maayos at mas healthy for both of us.

“Huwag muna namin haluan ng emosyon. Pareho kaming may mission sa buhay namin at unahin muna namin iyong mga plano namin maglingkod sa mga probinsiya namin.”

STILL ACTIVE AS AN ACTRESS. Hindi pa naman daw iniiwan ni Andrea ang pag-arte. Sa katunayan ay lalabas siya sa teleseryeng Princess in the Palace ng TAPE Inc. simula sa January 2016.

“I will still act as long as there are offers.

“Alam mo naman ako, I have this love-hate relationship with showbiz.

“Minsan okey kami, minsan hindi. Parang boyfriend ko na rin for a long time ang showbiz, e.

“May times na maganda ang mga offers, may times na wala.

“Kaya ako naman, since may pinag-aralan naman tayo, let’s put it to good use.

 “Kaya naman nagtayo ako ng business [Longganisa Sorpresa] which is still doing okay.

“Now, itong bagong mundo ng politics ang gusto kong pasukin.

"I still have so much to learn and I am grateful for the people supporting me in 2016.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN