Raymart Santiago spends Christmas with ex-wife Claudine Barretto, children Sabina and Santino

Kahit hindi naging maayos ang pagtatapos ng taon noong 2014 sa dating mag-asawang Raymart Santiago at Claudine Barretto, tila nag-iba naman ang ihip ng hangin sa kanilang dalawa ngayon. Nitong December 25, magkasama ang dating couple at ang kanilang dalawang anak na nagselebra ng Pasko.


In the spirit of Christmas, buo ang pamilya nina Raymart Santiago at Claudine Barretto nitong Pasko.

Kahapon, December 25, magkasamang nagdiwang ng araw ng kapaskuhan ang estranged couple kasama ang kanilang dalawang anak na sina Sabina at Santino.

Sa Instagram ni Claudine, nag-post ang aktres ng larawan nilang mag-anak na may caption na, “Merry Christmas po sa inyong lahat."

Si Raymart naman ay nagpost sa kanyang Instagram ng larawan niya kasama ang dalawang anak. Sabi niya sa caption, “Merry Christmas everyone.”

Merry Christmas everyone

A photo posted by raymartsantiago (@raymartsantiago) on

Kasunod naman nito ang video nilang mag-ama habang nagbubukas ng mga regalo ang dalawang bata. Sabi niya, “Priceless moments.”

Priceless moments

A video posted by raymartsantiago (@raymartsantiago) on

Sa panayam sa estranged couple nitong mga nakaraang buwan, sinabi nilang isinantabi na nila ang hindi nila pagkakaunawaan alang-alang sa kapakanan ng kanilang dalawang anak.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN