Honor Thy Father disqualified from MMFF Best Picture race

Ikinagalit ng netizens ang desisyon ng Executive Committee ng Metro Manila Film Festival 2015 na hindi isali ang Honor Thy Father sa walong pelikulang pamimilian ng Best Picture para sa Gabi ng Parangal na gaganapin bukas, December 27. Nabigo raw kasing ipaalam ng mga tagapamuno ng produksiyon ng pelikula na isinali nila ang Honor Thy Father sa Cinema One Originals noong Nobyembre.


Trending ngayon sa Twitter ang hashtag na #DemandForHonorThyFather dahil sa ikalawang araw ng Metro Manila Film Festival (MMFF) ay nadiskwalipika ang pelikulang Honor Thy Father sa kategoryang Best Picture sa awards night na gaganapin bukas, December 27.

Ngayong gabi, December 26. kumalat sa social media ang sulat ng Metro Manila Development Authority (MMDA), ang ahensiya ng gobyerno na nangangasiwa sa taunang festival, na nagsasabing hindi na kasali ang naturang pelikula sa kategoryang Best Picture sa Gabi ng Parangal.

Ayon sa sulat na naka-address kay Ronald Stephen "Dondon" Monteverde ng Reality Entertainment at pirmado ni MMDA Chairman Emerson Carlos, hindi raw kasi nagsabi ang mga tao sa likod ng Honor Thy Father na isinali nila ito bilang opening film sa Cinema One Originals Festival noong Nobyembre.

“Please be advised that due to your non-disclosure of your participation to the Cinema One Originals Festival 2015 as the opening film and after careful and thorough deliberation, the Metro Manila Film Festival Ecexutive Committee has disqualified your entry, Honor Thy Father, from the selection of the Best Picture Category of the MMFF 2015 Awards.”

Pero ayon sa post ng Cinema Bravo sa Facebook, naipagbigay alam daw ng Reality Entertainment sa ExeComm ng MMFF na naging opening film ang pelikula sa Cinema One Originals.

Nakalagay sa post: “#MMFF2015Scandal #DemandForHonorThyFather

"Today, MMFF sent a letter to HONOR THY FATHER advising that the film is disqualified for the Best Picture Category at the 2015 Metro Manila Film Festival. (via Honor Thy Father director Erik Matti)

"However, on November 5, there was a disclosure letter sent to MMFF by HONOR THY FATHER. It was then screened as the opening film of Cinema One Originals on November 8. (via Honor Thy Father writer Michiko Yamamoto)

"According to MMFF rules: An entry film shall not have been, in any way, commercially exhibited here and/or abroad. “Commercially exhibited” means any show, display or presentation intended for viewing by members of the general public, the audience thereof being required to pay or give valuable consideration, monetary or otherwise, in exchange for viewing the same.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Any film entry which has been shown in any regular, advance or preview screening for valuable consideration whether in movie theaters, television or other media or venue, shall be disqualified; provided: any non-revenue advance or preview screening for promotional purposes only shall not be disqualified as long as the producer shall submit at the time of applying as an entry for the film festival a sworn statement attesting to the non-revenue and promotional nature of the said exhibition."

"Now, why is HONOR THY FATHER disqualified again?

"#MMFF #MMFF2015 #HonorThyFather Honor Thy Father Metro Manila Film Festival (MMFF) Official”

#MMFF2015Scandal #DemandForHonorThyFatherToday, MMFF sent a letter to HONOR THY FATHER advising that the film is...

Posted by Cinema Bravo on Saturday, December 26, 2015

HEARTBREAKING. Ikinalungkot naman ni Angelica Panganiban, girlfriend ng bida ng Honor Thy Father na si John Lloyd Cruz, ang balita.

Sa Instagram, sinabi ng Pangako Sa ‘Yo star, “Nakakalungkot to.. Nakakalungkot.. Heart breaking…”

Nakakalungkot to.. Nakakalungkot.. Heart breaking..

A photo posted by Angelica Panganiban (@iamangelicap) on

Ikinalungkot din ni Antoinette Jadaone, ang direktor ng pelikulang All You Need Is Pag-ibig, ang desisyong ito ng MMFF.

Tanong pa niya kung ikinabubuti ba ng industriya ang hakbang na ito ng MMFF ExeComm.

Narito ang sunud-sunod na tweets ni Direk Antoinette:

Ikinadismaya rin ng maraming netizens ang balitang ito. Kung ano pa raw yung dekalidad na pelikulang kalahok sa MMFF ngayong taon ay yun pa raw ang tinanggalan ng karapatan na makakuha ng award.

Hindi naman malinaw kung pati si John Lloyd ay disqualified din sa acting category.

Ang Honor Thy Father ang ikawalong nakapasok sa MMFF ngayong taon matapos mag-back out ang Hermano Puli ni Direk Gil Portes.

Ang iba pang kalahok sa MMFF 2015 ay ang All You Need Is Pag-ibig, WalangForever, My Bebe Love #KiligPaMore, Haunted Mansion, Buy Now Die Later, Beauty and the Beastie, at Nilalang.

Humingi na ng statement ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Erik Matti, ang direktor ng Honor Thy Father, pero hanggang ngayon ay hindi pa ito susamagot.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN