My Bebe Love leads MMFF 2015 box-office race on first three days

My Bebe Love is currently leading the box-office race in the Metro Manila Film Festival 2015. The film stars Vic Sotto, Ai-Ai delas Alas, Alden Richards, and Maine Mendoza


Naglabas na ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ng figures ng kinita sa box-office ng mga nangungunang pelikulang kalahok sa Metro Manila Film Festival (MMFF) 2015 sa unang tatlong araw ng festival—mula December 25 hanggang 4 P.M. ng December 27.

Ayon kay MMDA Chairman Emerson Carlos, ang My Bebe Love #KiligPaMore ang nangunguna sa takilya with P159 million.

Mula sa OctoArts Films, MZET, APT, MEDA, at GMA Films, tampok sa pelikulang ito sina Vic Sotto, Ai-Ai delas Alas, Alden Richards, at Maine Mendoza.

Pangalawa naman ang Beauty and the Bestie na mayroon nang P131 million. Bida sa Star Cinema/Viva Films movie na ito sina Vice Ganda, Coco Martin, James Reid, at Nadine Lustre.

Malayo naman ang agwat ng pangatlo na Walang Forever na may 36 million. Bida sa pelikula sina Jericho Rosales at Jennylyn Mercado.

Pang-apat naman ang Haunted Mansion na mayroong 29 million. Tampok dito sina Janella Salvador, Marlo Mortelm at Jerome Ponce.

Wala pang figures na inilabas para sa iba pang mga kalahok na pelikula: All You Need is Pag-ibig, Buy Now Die Later, Nilalang, at Honor Thy Father.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN