MMFF 2015 Awards Night: Jericho Rosales, Jennylyn Mercado, Maine Mendoza win top acting honors

Jericho Rosales and Jennylyn Mercado bagged the Best Actor and Best Actress awards, respectively, at the 41st MMFF Awards Night. Their movie, Walang Forever, won the Best Picture award.


Back-to-back winner ang Kapuso star na si Jennylyn Mercado sa Metro Manila Film Festival (MMFF) pagkatapos niyang manalo ulit bilang Best Actress sa Gabi ng Parangal na ginanap ngayong Linggo, December 27.

Nanalo si Jennylyn ngayong MMFF 2015 para sa pagganap niya sa Walang Forever.

Noong 2014 ay nanalo rin siya bilang Best Actress para sa English Only, Please.

Tinalo ni Jennylyn ngayong taon sina Meryll Soriano (Honor Thy Father), Ai-Ai delas Alas (My Bebe Love), at Jodi Sta. Maria (All You Need is Pag-ibig).

Ang co-star ni Jennylyn sa Walang Forever na si Jericho Rosales naman ang itinanghal na Best Actor.

Tinalo ni Jericho, na wala sa awards night, sina John Lloyd Cruz (Honor Thy Father) at Ian Veneracion (All You Need is Pag-ibig).

Maliban sa top acting honors, nanalo rin ang Walang Forever bilang Best Picture, Best Screenplay para kay Paul Sta. Ana, at Best Original Story para kina Dan Villegas at Antoinette Jadaone.

Ngunit ang Best Director ay iginawad kay Erik Matti para sa Honor Thy Father, na idiniskwalipika ng MMFF Executive Committee para sa Best Picture.

Hindi personal na nakadalo sa awards night si Direk Erik, ngunit isang mensahe ang ipinaabot niya sa pamamagitan ng babaeng tumanggap ng kanyang tropeyo.

Isiniwalat ng direktor ang kanyang hinaing laban sa MMFF, mula sa pagpili ng mga kalahok na pelikula hanggang sa hindi patas na pagbibigay ng mga sinehan sa mga maliliit na produksiyon.

MAINE WINS BEST SUPPORTING ACTRESS. Samantala, surprise winner naman si Maine Mendoza bilang Best Supporting Actress para sa kauna-unahan niyang pelikula—ang My Bebe Love.

Kabilang sa mga tinalo ni Maine ay ang veteran actress na si Nova Villa (All You Need is Pag-ibig) at award-winning actress na si Iza Calzado (Haunted Mansion).

Hindi personal na natanggap ni Maine ang kanyang unang acting award dahil kasalukuyan siyang nasa Japan para sa isang bakasyon kasama ang kanyang pamilya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Best Supporting Actor naman ang veteran actor na si Tirso Cruz III para sa pagganap niya sa Honor Thy Father.

Second Best Picture ang Buy Now, Die Later at Third Best Picture naman ang My Bebe Love.

Sa kabuuan, nakakuha ng anim na awards ang Walang Forever; tigli-lima ang Honor Thy Father at Nilalang; at tigta-tatlo ang My Bebe Love at Buy Now, Die Later.

Wala namang napanalunan ang All You Need is Pag-ibig, Beauty and the Bestie, at Haunted Mansion.

Ginanap ang 41st MMFF Awards Night sa Kia Theater, Cubao, Quezon City. Nagsilbing hosts sina Richard Gutierrez at KC Concepcion.

LIST OF WINNERS. Narito ang kumpletong listahan ng mga nanalo sa 41st Metro Manila Film Festival Awards Night:

Best Festival Picture: Walang Forever

Best Actor: Jericho Rosales - Walang Forever

Best Actress: Jennylyn Mercado - Walang Forever

Second Best Picture: Buy Now, Die Later

Third Best Picture: My Bebe Love #KiligPaMore

Best Festival Director: Erik Matti - Honor Thy Father

Best Supporting Actress: Maine Mendoza - My Bebe Love #KiligPaMore

Best Supporting Actor: Tirso Cruz III – Honor Thy Father

Best Festival Screenplay: Paul Sta. Ana – Walang Forever

Best Festival Original Story: Dan Villegas and Antoinette Jadaone – Walang Forever

Gat Antonio J. Villegas Cultural Award: My Bebe Love #KiligPaMore

FPJ Memorial Award for Excellence: Walang Forever

Best Child Performer: Krystal Brimner - Honor Thy Father

Best Cinematography: Pao Orendain – Nilalang

Best Editing: Jason Cahapay – Nilalang

Best Production Design: Angel Gesta – Buy Now, Die Later

Best Visual Effects: Nilalang

Best Make-up: Honor Thy Father

Best Sound: Ditoy Aguila – Nilalang

Best Musical Score: Jesse Lazaten – Nilalang

Best Original Theme Song: "Tao" by Armie Millare – Honor Thy Father

Best Float: Buy Now, Die Later

MMFF 2015 New Wave winners:

Full-Length Category

Best Picture: Ari

Manila Bulletin Best Picture: Ari

Best Actor- JM de Guzman (Tandem) & Francisco Guinto (Ari)

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Best Director: John Paul Su – Toto

Best Supporting Actress: Bibeth Orteza – Toto

Best Screenplay: Robbie Tantingco – Ari, My Life as a King

Special Jury Prize: Toto

Short Film Category

Special Jury Prize: Daisy

Manila Bulletin Short Film: Deo

Best Short Film: Mumu

Manila Bulletin Animation Entertainment Award: Momento

Animation Special Jury Prize: Little Lights

Animation Best Picture: Buttons

Special Awards

Male Celebrity of the Night: Cesar Montano

Female Celebrity of the Night: Jennylyn Mercado

MMFF Special Award (Plaque of Appreciation): Atty. Francis Tolentino



[gallery id="9143"]




[gallery id="9144"]



WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN