Siwon of Super Junior invites Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach to their next concert

Marami ang nainggit kay Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach nang batiin ito ng Koren superstar na si Siwon Choi ng grupong Super Junior sa kanyang pagkapanalo. Inimbitahan pa ng singer-actor si Pia sa kanilang susunod na concert. Ayon sa netizens, kailangan pa nilang maging Miss Universe para pansinin ng isa sa pinakasikat na miyembro ng naturang K-Pop group.


Muling kinaiinggitan si Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach ng maraming netizens, hindi lamang sa kanyang pagkapanalo sa pinakaprestihiyosong beauty pageant sa mundo kundi maging sa pagpansin sa kanya ni Siwon Choi, isa sa mga miyembro ng sikat na K-Pop group na Super Junior.

Pagkatapos manalo ni Pia bilang Miss Universe, kinalkal ng maraming netizens ang kanyang tweets noon pang 2009.

Sabi ng isang Twitter user: “So miss universe is an elf and stans siwon This is AMAZMINNG BKAKZ.”

"Elf" ang tawag sa fandom ng Super Junior.

Kalakip nito ang screenshots ng tweets ni Pia noon kung saan ipinapakita nito ang pagiging fan ng Super Junior at ni Siwon.

Kahapon, December 27, naging trending topic sa social media ang pagbati ni Siwon kay Pia.

Sa random post ni Siwon kahapon, kasama ang American actor na si Adrien Brody, sinabi niyang: “Pia Alonzo Wurtzbach :) Heartfelt Congratulations on your Miss Universe 2015 Award, and please be my guest for next SUPERSHOW! Looking forward to seeing you shining the world :^)”

Ang Super Show ay ang series or world tour concerts ng Super Junior.

Ikinakilig naman ito ng maraming tagahanga ng Korean superstar at ni Pia. Marami pa ang nagsasabing may bago nang love team ngayon—ang PiWon.

Ini-encourage naman ng iba pang mga nagkomento na mag-date na raw ang dalawa.

Sa ngayon, meron nang 225,000 likes at 10,000 comments ang post na ito.

Nagkomento naman si Pia, base na rin sa tweet ng isa pang K-pop fan.

Ayon sa post ni @kaiality: “Miss Universe Pia Wurtzbach commented on Super Junior's Siwon Instagram Post!.”

Ayon sa artikulo ng www.soompi.com, medyo nahuli na ang pagbati ni Siwon sa bagong hirang na Miss Universe dahil naka-military leave ito noong araw ng December 20, kung saan kinoronahan si Pia sa Las Vegas.

Sa South Korea, mandatory o compulsory ang military service sa lahat ng mga kalalakihan na tumatagal ng two years.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nito lamang November 2015 nagsimula ang military service ni Siwon, kaya sa 2017 pa siya makakabalik sa pagpe-perform bilang miyembro ng Super Junior.

Pero nauna nang bumati kay Pia ang lider ng Super Junior na si Lee Teuk.

Mensahe niya kay Pia: “Congratulations^^ #miss #universe I heard from the news that there was even the 'happening' of announcing the wrong winner. But congratulations to you, an ELF who loves Super Junior, and especially loves Siwon. I also heard that your dress matched our color. I want to say congrats one more time!^^”

..ì¶ï¿½í��í�´ì��^^ #miss#universe ë�´ì�¤ë¥¼ í�µí�´ 1ì��ë°ï¿½í��ê°ï¿½ ì��못ë��ë�� í�¤í��ë��ë�� ë´¤ë��ë�°ì��ì¶ï¿½í��ë��립ë��ë�¤ ì��í�¼ì£¼ë��ì�´ í�¹í��ë�� ì��ì��ì�´ë¥¼ ì¢ï¿½ì��í��ë�� E.L.F.ì¶ï¿½í��ë��립ë��ë�¤ ë��ë ï¿½ì�¤ ì½ï¿½ë��ë�� ì�°ë¦¬ì��ê¹ï¿½ì�� ë§ï¿½êµ¬ì��ì��ë�¤ê³  ë�¤ì��ì�µë��ë�¤ ë�¤ì��í��ë²ï¿½ ì¶ï¿½í��ë��려ì��!!^^..

A photo posted by Lee teuk (@special_js1004) on


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN