Cesar Montano says quality films have no place in MMFF

Cesar Montano on current state of MMFF: You have to accept the fact na commercial films lang dito. Kasi, yung mga tao, may mga family, may mga kasamang mga bata. Gustong manood lang ang mga ‘yan ng masaya, pambata. Iba kasi ang kultura ng Pilipinas, e, pag inilabas mo ang bata sa Pasko at manonood kayo, kailangang masaya lang. Ayaw ng bata na ma-educate ng serious na mataas ang level."


May pabor ang actor/director/producer na si Cesar Montano sa pamunuan ng taunang Metro Manila Film Festival (MMFF).

Patungkol ito sa patuloy na mababang gross sales ng indie films sa filmfest.

Si Cesar ang bida sa isa mga MMFF entry ngayong 2015, ang Nilalang, kung saan kasama niya ang Japanese actress na si Maria Ozawa.

Bago sabihin ni Cesar ang kanyang mensahe ay nagpasalamat muna siya sa MMFF, na naging venue ng ilan sa pinakamalalaking pelikula sa kanyang career.

Sabi ni Cesar, “First, gusto ko munang magpasalamat sa MMFF for supporting the independent filmmakers.

“Ang hiling ko lang sana, hihingi lang ako ng favor for them.

“Sana extend some more yung kanilang tulong o pagsuporta sa mga independent filmmakers.

“Ang independent filmmakers kasi ang naging susi para mabuhay muli yung movie industry natin.

“So, let’s help them out, suportahan natin, tulungan, para di matanggalan ng mga cinemas.”

Eksklusibong nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Press) si Cesar sa backstage ng KIA Theater, sa may Cubao, Quezon City, kung saan ginanap ang Gabi ng Parangal ng MMFF 2015 kagabi, December 27.

QUALITY VS. PROFITS. Kaya ba nagiging kulelat sa box-office ang mga sinasabing quality films ay dahil kinakailangang mag-generate ng income ang MMFF palagi?

Sagot ni Cesar, “Actually, sa bansa lang natin ganyan, e. 

“Pag sinabi mong film festival, art film ang pinag-uusapan. 

“Doon nagkakaroon ng art film, sini-celebrate yun.

“Eto yung pagkakataon natin para yung mga kabataan, yung mga maliliit na bata, maitaas ang level ng kaalaman ng edukasyon sa paggawa ng pelikula o sa mga nangyayari sa ating bansa.

“Kasi doon sa mga pelikulang yun, sa mga art film na yun, talagang relevant ang mga bagay na nangyayari sa pulitika, sa kapaligiran natin.”

Nagpahayag ng kanyang kalungkutan si Cesar sa pagiging kulelat ng Nilalang sa box-office race ngayong MMFF, gayong sinasabing maganda at dekalidad naman ang pelikulang ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa katunayan, limang technical awards ang napanalunan ng pelikula sa awards night.

Saad ng award-winning actor, “I feel sad about that, hindi lang sa amin kundi para na rin doon sa ibang pelikula, mga indie film.

“So sana... ang pelikula kasi, pag-e-educate ng mga kabataan, ng mga tao, e. 

“Sana magbago ito, ito ang wish ko, yung way kasi, yung pagkita ng pera, hindi naman maiaalis 'yan.

“Talagang kikita 'yan, kasi ano bang gagawin ng mga audience? Talagang manonood 'yan.

"Pero anong klase yung pinapanood nila?"

Patuloy ni Cesar, “Okey lang sa akin na manood sila ng commercial, I have nothing against that, I have nothing against those films. 

“I rejoice with those films with all my sincerity… happy ako sa kanila dahil sila ay kumikita and everything. 

“Sana kumita rin ang independent filmmakers.”

LEAVING MMFF? Pinag-iisapan daw ni Cesar na hindi muna sumali sa MMFF.

Aniya, “Magri-regular run ako [sa mga sinehan].

"Kasi dito sa Metro Manila Film Festival, laging Pasko.

“Kailangan pasayahin yung mga tao, commercial talaga dito.”

Hindi na raw mabilang ni Cesar ang mga pelikula niyang lumahok sa MMFF. 

Ilan sa mga pelikula niyang naipalabas sa MMFF ay ang mga sumusunod: Jose Rizal (1998), Muro Ami (1999), Bagong Buwan (2001), Panaghoy Sa Suba (2004), at Ligalig (2006).

Ang una niyang pelikula na Ang Bukas ay Akin, mula sa direksiyon ni Laurice Guillen sa ilalim ng Seiko Films, ay nagbigay sa kanya ng Best Supporting Actor award sa MMFF 1989.

Sabi ni Cesar, “Maganda yun, okey yun, kumita yun, kasi that was ’89.”

Ano ba ang dapat na baguhin sa paraan ng pamamalakad ng MMFF sa mga kalahok na pelikula?

Tugon niya, “Hindi mo rin puwedeng pigilang gumawa ng pelikula sina Vic Sotto, Vice Ganda, at yung ibang mga… like yung AlDub kung sakaling sasali sila.

“Right nila yun para gumawa ng pelikula at right din ng mga producers na gumawa ng pelikula.

“So, siguro, kailangang gumawa ng category or separate na awards night.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kasi hindi mo mababago ito, e.  You have to accept the fact na commercial films lang dito [MMFF].

“Kasi, yung mga tao, may mga family, may mga kasamang mga bata. 

“Gustong manood lang ang mga ‘yan ng masaya, pambata. 

“Iba kasi ang kultura ng Pilipinas, e, pag inilabas mo ang bata sa Pasko at manonood kayo, kailangang masaya lang. 

“Ayaw ng bata na ma-educate ng serious na mataas ang level.

“Kung ako ang tatanungin, there’s a way to do it, but sino ba ang willing? 

“Siguro ninety percent, hindi willing; yung ten percent, willing.

“Yung mga serious films, lipat na lang yun sa regular [days na showing sa sinehan]. 

“Yun nga lang, tayo lang yung kakaiba na may film festival na puro commercial films ang ipinapalabas.”

Samantala, magiging busy raw si Cesar ngayong 2016 dahil tatlo ang gagawin niyang projects sa TV5: isang teleserye, isang game show, at isa na ayaw pa niyang sabihin ang detalye.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN