Rep. Dan Fernandez files resolution for investigation of Honor Thy Father MMFF case

Laguna Rep. Dan Fernandez (middle) with Reality Entertainment's Dondon Monteverde and Atty. Agnes Maranan. Fernandez filed a resolution yesterday, Dec. 28, for the investigation of Honor Thy Father's disqualification from the Best Picture category in the recently-concluded MMFF Awards Night.


Umabot na sa Kongreso ang isyu kaugnay ng disqualification ng Honor Thy Father sa Best Picture category ng 41st Metro Manila Film Festival Awards Night na ginanap noong Linggo, December 27.

Nitong Lunes ng umaga, December 28, nag-file ng resolution sa Batasang Pambansa ang congressman ng Laguna na si Dan Fernandez upang imbestigahan ang pamunuan ng MMFF at Metropolitan Manila Development Authority, na siyang namamahala ng taunang filmfest, hinggil sa isyung ito.

Isa si Dan sa mga artista ng Honor Thy Father na pinagbibidahan ni John Lloyd Cruz at idinirek ni Erik Matti.

Kasama ni Dan na nag-file ng kanyang resolution sa Kongreso kahapon ang isa sa producer ng pelikula na si Dondon Monteverde at si Atty. Agnes Maranan.

Ayon kay Dan, hindi na ang Honor Thy Father ang makikinabang sa ipinaglalaban nila ngayon, lalo pa nga't tapos na ang MMFF Awards Night.

“Hindi na, actually we're not after the award anymore. We respect the decision of the jurors.

“We are after the disqualification.

“Halimbawa, sa imbestigasyon, mali ang [Metro] Manila Film Festival na i-disqualify kami, we will accept it.

"Ang gagawin na lang po natin, itama ang mga mali ngayon na umiiral sa Metro Manila Film Festival at sa MMDA.

"Kasi, makikita mo talaga yung injustice that was done.

“Hindi natin pupuwedeng hayaan yun na taun-taon na lang may ganitong problema.

"Well, we have to set a parameter, we have to set rules and regulations that will be followed by them.

“Hindi pupuwedeng ngayon, ito ang susundin nila, sa susunod na taon, ito ang susundin nila. Hindi pupuwede yun.

"We are people governed by laws and we are guided by the laws of the land."

Naniniwala si Dan na ang “injustice” na nangyari sa Honor Thy Father ay mauulit na naman kapag hindi naitama ngayon.

"So, yun ang ating itse-check.

“We are trying to find out what are the rules governing this disqualification, di ba?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kung wala naman sa rules niyo 'yan, wala sa guide niyo 'yan, why implement it, di ba?

“So, bibigyan natin ng tamang direksiyon ang Metro Manila Film Festival para rin sa susunod, masabi ng mga susunod na filmmakers na, ‘Wow, ang MMFF, para pala itong Oscars!’"

JOHN LLOYD CRUZ. Nagkaroon na rin daw ng pagkakataon si Dan na makausap ang bida ng Honor Thy Father na si John Lloyd Cruz noong Linggo ng gabi, December 27.

Sabi ng kongresista, "Malungkot na malungkot yung tao.

“Hindi dahil sa hindi niya nakuha ang award, kundi hindi niya nakuha ang Best Picture.

"He was hoping, at the end of the day, last night , na magbabago ang desisyon nila, na mapapasama pa rin ang Honor Thy Father sa Best Picture category."

Ang nanalong Best Picture ay ang Walang Forever; si John Lloyd naman ay tinalo ni Jericho Rosales sa Best Actor category.

Si John Lloyd ay isa rin sa mga producer ng Honor Thy Father.

Sabi ni Dan, "Remember, John Lloyd is not only an actor here, he is the co-producer.

"Ang kanyang puso ngayon is more on the Best Picture category na makuha niya dahil nga producer siya.

"He invested money.

"Maliit man ang in-invest niya, buhay niya ang in-invest niya.

“Kumbaga, yung savings niya, inilabas niya.

“Ibinigay niya ang buhay niya sa pelikula.

"Kaya makikita mo ang acting niya dun, iba. ‘Akin 'to. Pelikula ko 'to.’"

NO REGRETS. Tinanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang actor-politician kung nagsisisi ba siyang ipinasok pa nila sa Metro Manila Film Festival ang Honor Thy Father.

Sagot niya, "Actually ako, hindi ako nagsisisi.

“Si Dondon, hindi rin siya nagsisisi.

"Alam mo kung bakit? He wants to make a statement.

“He wants to make a point that this is the right time to check what is happening inside the industry."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pakiramdam ba nila ay sinabotahe sila?

"Well, I think hindi naman sinabotahe. May mga loopholes.

“Yung mga loopholes na yun ang dapat ikorek.

"Kasi yung mga loopholes na yun, if not checked, will happen again."

VERY SHORT NOTICE. Ang nangyari pa raw kasi, isang araw bago ang awards night, saka lang sinabi ang disqualification ng Honor Thy Father sa Best Picture kaya napaisip daw silang talaga.

Lahad ni Dan, "Kaya ako tumawag kay Chairman Carlos para tanungin kung ano ba ang nangyari.

"December 25, tumawag ako, sumagot siya.

“Tinanong ko kung ano ang chances ng Honor Thy Father, kasi nga, nakakakutob na ako, yun lang.

“Sabi niya, hindi siya privy.

"December 26, alas-tres [ng hapon], na-disqualify.

“Tinawagan ko siya, hindi siya sumagot.

“Ang text ko sa kanya, napakahaba ng text ko sa kanya, citing all the provisions, kung bakit kami na-disqualify."

Hanggang ngayon daw ay hindi pa rin niya nakakausap si Atty. Emerson Carlos, na siyang overall chairman ng MMFF.

Naniniwala ba si Dan na may magandang resulta ang pagpa-file niya ng resolution?

Tugon niya, "Naniniwala akong may mangyayari.

“May mangyayari dahil aapir sila sa meeting. Whether they like it or not, they have to be here.

"Lahat, ang MMDA pati na ang Metro Manila Film Festival, lahat sila iimbitahan natin at tatanungin natin sila kung ano ang ginawa nila.

"Ano ang mga rules, parameters, procedures, paano kayo nag-arise diyan."

Sang-ayon ba siya sa suhestiyon ng karamihan sa industriya na dapat na mga taga-showbiz industry na ang mamahala at magpalakad ng MMFF?

Tugon ni Dan, "MMDA? Traffic nga, hindi nila ma-solve.

“Basura, hindi nila ma-solve. Yung mga pagkakagulo, hindi nila ma-solve.

“Ibalik na sa industriya.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN