Claudine Barretto posts handwritten love letter from the late Rico Yan on Instagram

Sinariwa ng mga naging tagahanga nina Claudine Barretto at Rico Yan ang maganda nilang alaala sa paborito nilang love team noong dekada ’90 dahil sa post ng aktres sa kanyang Instagram account. Laman ng post ng aktres ang isang love letter sa kanya ni Rico, kung saan ipinaramdam ng namayapang aktor ang kanyang pagmamahal sa aktres.


Nostalgia para sa karamihan ng mga nagmamahal noon sa love team nina Claudine Barretto at Rico Yan ang pinakabagong post ng aktres sa kanyang Instagram account kahapon, December 28.

Laman kasi nito ang larawan nilang dalawa ni Rico at ang isang handwritten letter ng namayapang aktor para kay Claudine.

Simpleng caption ng aktres dito: “We @tinamarieyan miss u terribly.”

We @tinamarieyan miss u terribly

A photo posted by @claubarretto on

Si Tina Marie Yan ay ang kapatid na babae ng namayapang aktor.

Sina Claudine at Rico ay nagkasama sa mga teleseryeng Mula Sa Puso (1997) at Saan Ka Man Naroroon (1999) sa ABS-CBN.

Pinagbidahan din nila ang mga pelikulang Dahil Mahal Na Mahal Kita (1998) at Got To Believe (2002).

Sina Claudine at Rico ang isa sa pinakasikat na love teams noong ‘90s.

Pumanaw si Rico noong March 29, 2002 dahil sa acute hemorrhagic pancreatitis (bangungot) habang nagbabakasyon sa Dos Palmas Resort sa Palawan.

Si Claudine naman ay ikinasal sa action star na si Raymart Santiago ngunit nagkahiwalay rin sila.

THE LETTER. As of today, December 29, may 31,000 likes at 2,400 comments na ang post na ito ng Etiquette For Mistresses actress.

Walang petsa ang naturang love letter ni Rico para kay Claudine ns nakasulat sa isang yellow pad.

Ito ang nilalaman ng sulat:

“To My Honey,

“By the time you read this, I must be in CDO already.

“Just want to thank you for last night.

“You were wonderful!!!

“And because of that, I’m sure I’m gonna have a hard time sleeping without you by my side tonight.

“But nevertheless, I still love you very much. Mwah!!!!

“Rico.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN