Kris Bernal being courted by Renz Fernandez?

Kris Bernal on Renz Fernandez: "Ilang beses niya na 'kong inayang lumabas, like mag-movie or mag-dinner. Tapos, every time pupunta siya sa taping, may pa-something siya. Basta pag alam niyang may gusto ako, ibibigay niya. Reregaluhan niya 'ko nang wala namang okasyon. Basta may one time na nakatulog na 'ko tapos pagbukas ko ng bag ko, may ibinigay siya sa 'kin na alam niyang gustung-gusto ko.”


Ang anak ba ng yumaong Rudy Fernandez at ng asawa niyang si Lorna Tolentino na si Renz Fernandez ang dahilan kung bakit kakaiba ang ngiti ni Kris Bernal ngayon?

Balitang pinopormahan ni Renz ang bida ng GMA primetime teleserye na Little Nanay. Pero ayaw pang i-confirm ng Kapuso actress kung totoong nanliligaw sa kanya si Renz.

“Hindi ko sure. Ayokong mag-assume.

“Mabait lang talaga 'yon, malambing lang talaga 'yon,” sabi ni Kris nang ma-interview siya ng GMA News.

Saksi raw ang production staff ng Little Nanay sa madalas na pagbisita ni Renz kay Kris sa set ng Little Nanay.

Ilang beses na rin palang nag-date ang dalawa.

Pero giit ni Kris, hindi pa pormal na sinasabi ni Renz na nanliligaw ito sa kanya.

“Ilang beses niya na akong inayang lumabas, like mag-movie or mag-dinner.

“Tapos, every time pupunta siya sa taping, may pa-something siya.

“Basta pag alam niyang may gusto ako, ibibigay niya.

“Reregaluhan niya ako nang wala namang okasyon.

“Basta may one time na nakatulog na 'ko, tapos pagbukas ko ng bag ko, may ibinigay siya sa 'kin na alam niyang gustung-gusto ko,” masayang kuwento ni Kris.

ENJOYING THEIR FRIENDSHIP. Nakatrabaho na ni Kris si Renz sa afternoon teleserye na Prinsesa Ng Buhay Ko.

Enjoy raw si Kris sa pagkakaibigan nila ni Renz.

“Alam mo si Renz, napakabait niya at saka yung sense of humor niya, nakakatuwa.

:And ang gentleman ni Renz. Ang guwapo rin.

“Hindi ko pa masyadong naiisip na maging kami kasi nag-e-enjoy pa ako doon sa friendship namin.

“So, ayoko pang haluan. Gusto ko kumportable lang kami.”

Huling na-link si Kris sa aktor na si Lucho Ayala.

Ilang beses din silang nag-date ni Lucho, pero nauwi lang sila sa pagiging magkaibigan.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN