LizQuen, KathNiel, Xian Lim make it to Most Beautiful Faces for 2015 list

Pasok sa listahan ng pinakamaganda at pinakaguwapong mukha sa buong mundo ang Kapamilya stars na sina Liza Soberano, Enrique Gil, Daniel Padilla, Kathryn Bernardo, at Xian Lim.


Limang Pinoy celebrities ang nakapasok sa 100 Most Beautiful Faces of the Year 2015 list ng tccandler.com, isang independent critics lists website na naka-based sa London, England.

Ang founder nitong si TC Candler ay isang professional film critic at creator ng Annual Independent Critics List of The 100 Most Beautiful Faces of the Year.

Pinili ang mga nasa Top 100 mula sa mahigit 50,000 celebrities na iminungkahi ng mahigit 100 million visitors ng tccandler.com.

Sa 26th edition ng annual list na ito, dalawang Filipino female celebrities ang nakapasok sa 100 Most Beautiful Faces of the Year 2015 list.

Ang Kapamilya young actress na si Liza Soberano ay nasa No. 6 habang ang kasamahan niya sa Star Magic na si Kathryn Bernardo ay nasa No. 80.

Tatlo namang Filipino male celebrities ang nakasama sa 100 Most Handsome Faces of the Year 2015.

Nasa No. 13 ang ka-love team ni Liza na si Enrique Gil; habang ang katambal ni Kathryn na si Daniel Padilla ay nasa No. 22.

Ang isa pang Kapamilya star na si Xian Lim ay nasa No. 99.

MOST BEAUTIFUL WOMEN. Bukod kay Liza, ang iba pang nasa Top 10 ng Most Beautiful Faces of the Year 2015 list ay mga sumusunod:

1. Nana (South Korea, member of the girl group After School)

2. Gal Gadot (Israel, actress – will play the role of Wonder Woman in Batman vs Superman)

3. Jourdan Dunn (England, model)

4. Emma Watson (England, actress – played Hermione in Harry Potter movies)

5. Golshifteh Farahani (Iran, actress-singer)

7. Chloe Grace Moretz (USA, actress – If I Stay)

8. Camilla Belle (USA, actress)

9. Ana De Armas (Cuba, actress)

10. Emilia Clarke (England, actress – Game of Thrones)

MOST HANDSOME MEN. Sa kabilang banda, ang nasa Top 10 ng Most Handsome Faces of the Year 2015 ay ang mga sumusunod:

1. Diego Boneta (Mexico, singer-actor)

2. Boris Kodjoe (Austria-USA, actor)

3. Charlie Hunnam (England, actor – Sons of Anarchy)

4. Alexander Skarsgard (Sweden, actor – True Blood)

5. Idris Elba (England, actor)

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

6. Chris Carmack (USA, actor)

7. Jamie Dornan (Ireland, actor – Fifty Shades of Grey)

8. T.O.P. (South Korea, rapper in the K-Pop group Big Bang)

9. Michael Fassbender (England, actor)

10. Choi Siwon (South Korea, member of the K-Pop group Super Junior)


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN