Gloc-9 reveals highlights of his 2015

Gloc-9 on his plans for 2016: "Sa ngayon kasi, gusto kong makapagpatayo ng sarili naming bahay dahil yung tinitirhan namin ngayon, sa parents ni Thea [misis ni Gloc-9]. Yun talaga ang matagal na matagal ko nang gustong gawin and hopefully next year, magawa ko na.”


Isa ang rapper-composer na si Gloc-9 sa busiest performers ng 2015.

Kaya hindi nakapagtataka na ang pagiging blessed niya sa kanyang career ang una niyang naalala nang kinamusta namin ang naging takbo ng 2015 para sa kanya.

Kuwento niya sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Napakasaya at fruitful in terms of trabaho and family.

“Isa sa pinaka-memorable year. Basta very thankful lang po ako sa everything na dumaraan sa akin.

“Basta nakakapag-provide ako for my family and my children, sobrang masayang-masaya na ako dun and kinu-consider ko siyang memorable.”

Ang concert series niya sa Music Museum at ang pagiging bahagi niya ng PPL Entertainment, Inc. ang highlights ng taong 2015 para kay Gloc-9.

Saad niya, “Noong nag-start na akong maging parte talaga ng PPL.

"Ang alam ko, nag-start ako sa PPL late 2014, pero nag-settle lahat, 2015. Isa yun.

“Tapos yung mga tours na sinalihan ko sa Tanduay this year. I’m very blessed na nakasali ako sa tour.

"Kahit nagpalit na sila ng concept, naisip pa rin nila akong isama.

“At yung Music Museum, hindi talaga puwedeng hindi makasama yun sa highlight ng 2015 ko.

"Yun kasi ang tinuturing kong thank you sa lahat ng taong sumuporta sa akin.

“Sabi ko nga, para makagawa ako ng series, apat na gabi para sa kanila, malaking-malaking bagay sa akin yun.”

PLANS FOR 2016. Ang paggawa muli ng album ang isa sa gustong mangyari ni Gloc-9 sa 2016.

Saad niya, “Actually, nasimulan ko na po siya.

"Kailangan ko lang i-prioritize ang Music Museum. Nag-decide kami na ituloy siya ng January [2016].

"So yun, very excited ako dun at sa maraming trabaho ko pang gagawin sa susunod na taon.”

Ang pagiging mahinahon naman daw ang naiisip na New Year’s resolution ni Gloc-9.

Natatawang sabi niya, “Gusto kong maging mahinahon sa trabaho at sa pagmamaneho.”

Gusto rin niyang magtayo ng bahay para sa kanyang pamilya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sa ngayon kasi, gusto kong makapagpatayo ng sarili naming bahay dahil yung tinitirhan namin ngayon, sa parents ni Thea [misis ni Gloc-9 at ina ng kambal nilang anak].

“Yun talaga ang matagal na matagal ko nang gustong gawin and hopefully next year, magawa ko na.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN