Pauleen Luna seeks help of her IG followers to report a basher

Pinatulan ni Pauleen Luna ang isang basher na nag-iimbento diumano ng mga kuwento laban sa kanya. Ikinumpara pa siya sa kanyang best friend na si Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach at sinabing nalalaos na raw siya. Puro din daw masasakit na salita ang ikinukomento nito laban sa kanya kaya humingi na siya ng tulong sa kanyang Instagram followers upang i-report ang account ng naturang basher.


Hindi napigilan ng Eat Bulaga! co-host na si Pauleen Luna ang sarili na magpasaklolo sa kanyang Instagram followers matapos siyang putaktihin ng isang netizen.

Puro raw kasi masasamang salita ang ikinukomento ng nasabing netizen sa kanyang posts sa Instagram.

Kahapon, December 29, sinimulang buweltahan ni Pauleen ang naturang netizen na may handle name na @belle_saragosa.

Ipinost nito ang profile ng netizen at nakasaad sa kanyang caption: “Hi Dabarkads. Please help me report this account.

“Well, first off, she said really nasty things and that led me to post 'God bless you and Merry Christmas' on her account and now she's been editing 'conversations' that we supposedly had about MMFF.

“She is seriously taking it to another level. Namamahamak siya ng tao.

"Think before you click guys. Hindi na maganda ito. Please help me report @belle_saragosa.”

PITTED AGAINST BEST FRIEND PIA. Kasunod na pinalagan ng fiancée ni Vic Sotto ang pagkumpara sa kanya ng naturang netizen sa best friend niyang si Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach.

Sabi ng basher, lumipat na siya sa ABS-CBN dahil nalalaos na raw siya at nalalagpasan na ni Pia.

Ipinost din ni Pauleen ang naturang komento na may caption na: “This was @belle_saragosa's message to me a few days after Pia's victory.

“Now, only a person who is not in his/her right state of mind will believe this girls posts about MMFF. I do not know her and I'm not related to her in any way. Crazy. Report@belle_saragosa.”

“JESUS BE WITH YOU.” Sa huling post ni Pauleen patungkol sa basher, sinabi ng actress-TV host na ikinalungkot niya ang paraan ng naturang basher na gustong sumikat sa maling paraan.

Ani Pauleen, “So... This @belle_saragosa is really something.

“It's so sad that a young girl would do this for publicity. First pretending to be and aldub fan, then now pretending to have 'conversations' with me.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“This will be my last post about you. It's just sad to know na mag-e-edit at mag-eedit ka ng pictures na conversations natin kunwari para sumikat.

“Oh well. At the end of the day, kargo naman yan ng konsensya mo. Besides, kung kilala talaga kita, bakit kita kakausapin dito sa Instagram?

“I just hope your parents can do something about this habang bata ka pa. Hindi magandang ugali ang sinungaling.

“Mas lalo na kapag may napapahamak na mga tao.

"If anyone knows this girl, please help her. She needs help. JESUS BE WITH YOU.”

Sa ngayon, burado na ang lahat ng posts ng naturang netizen at nakalagay lamang sa kanyang profile ang mga katagang, “Soon will deactivate.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN