Jackie Rice and boyfriend still going strong after seven years

Jackie Rice and LJ Reyes are both products of StarStruck. LJ has graduated to more daring roles based on her bedroom romp in her latest movie. Will Jackie follow suit? She laughs at the idea, “Ahh… siguro naman kakayanin... hindi ko alam, hindi ko alam. Basta yung maayos na… ewan ko, hindi ko masasagot.”


Nitong nakaraang Pasko ay nasa Manila lamang ang Kapuso actress na si Jackie Rice, kasama ang kanyang pamilya at ang kanyang non-showbiz boyfriend.

“Mag-a-anniversary na kami, seven years!” banggit ni Jackie sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

Hindi raw totoo ang tsismis na nagpakasal na sila nang lihim.

“Hindi pa, hindi pa siya nag-o-offer sa akin ng kahit ano.”

Paano kung mag-alok ito ng kasal?

“Ayokong ma-pressure siya, baka mamaya mabasa niya ito!” tawa niya.

Dagdag niya, “Ayokong sagutin 'yang tanong mo.

“Gusto ko ma-surprise na lang siya, if ever.”

Handa na ba si Jackie na mag-asawa, kung sakali?

“Matagal na kami, e, siguro naman… ayoko ng papalit-palit din pero hindi pa siguro ngayon.

“Gusto ko siya na makatuluyan ko, pero hindi naman bukas, hindi naman mamaya.

“Yung kasalan kaagad, hindi naman… huwag biglaan.

Twenty-five years old si Jackie at 30 naman ang kasintahan niya.

Ipagpapatuloy pa rin ba ni Jackie ang pag-aartista kapag nag-asawa na siya?

“Gusto ko sana ang mga peg ko, parang Miss Jean Garcia, Carmina Villarroel.”

Papayagan naman siya ng karelasyon niya?

“Sana, supportive naman siya… like yung tinatanong mo kanina, kung kaya ko ba ang mga daring.

“Siya, sasabihin niya, ‘O baka diyan ka ano.’

“Alam niyang trabaho lang, siya pa yung nagpu-push sa akin.

“Halimbawa, pag sasabihin ko, ‘Baka hindi ko kayanin, baka magmukha lang akong ganito-ganyan.’

“Siya yung, ‘Hindi, ano ka ba? Hindi mo pa nga ginagawa tapos dyina-judge mo na agad.’

“Sobrang okay siya.”

GOING DARING. Kakayanin kaya ni Rice na magpaka-daring tulad ni LJ Reyes sa latest indie movie nito?

Parehong produkto ng StarStruck sina Jackie at LJ.

At sa pelikulang Anino Sa Likod Ng Buwan ay nagpakita ng hubad na katawan si LJ at may love scene sa lead actor na si Luis Alandy.

Saad ni Jackie, “Hindi naman ako nakikipag-compete sa kanya, e.

“Ang lola mo nanalo na, twice yata, nag-best actress na siya.”

Hindi naman kumpetisyon ang pinag-uusapan, kundi kaya rin ba niyang maging mapangahas sa harap ng kamera?

“Ahh… siguro naman kakayanin,” tugon ng aktres.

Kaya niya ang breast exposure?

Natatawang sagot niya, “Ahh… hindi ko alam, hindi ko alam!

“Ayokong magsalita ng wala pa dun, kung ang offer naman, e…"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

At muli itong tumawa, “Ewan ko.”

Kung pang-award ang role, gagawin niya?

“Oo, halimbawa, kung ang kapalit naman, e, maitatanim ko buong buhay ko, maipapamana ko sa mga anak ko yung…

“Basta yung maayos na… ewan ko, hindi ko masasagot.”

PROJECTS. Kasama si Jackie sa cast ng GMA drama series na Buena Familia na pinagbibidahan nina Julie Anne San Jose at Jake Vargas.

Inusisa namin kay Jackie kung totoong may relasyon na sina Julie Anneat Jake.

“Hindi ko alam!” ang tumatawang bulalas ni Jackie.

Dagdag niya, “Basta masaya ako kung maging sila, kasi bagay na bagay naman sila.”

Pero wala raw talaga siyang alam kung may relasyon na ang dalawa.

“Wala akong nahahalata.

“Magiging masaya ako kung magiging sila.”

Samantala, paunang salvo ngayong 2016 ng Magpakailanman ay ang episode na  “Tiyahin Ko, Karibal Ko” na pinagbibidahan nina Jackie at Camille Prats.

Gaganap sila bilang magtiyahin sa isang kalunos-lunos na kuwento ng pag-ibig sa ilalim ng premyadong direksiyon ni Maryo J. de los Reyes DGPI mula sa pananaliksik ni Loi Argel Nova.

Ang “Tiyahin Ko, Karibal Ko” ay hango sa isang short story ng kilalang Japanese writer na si Michiko Yamamoto.  

Kasama rin sa naturang MPK episode sina Polo Ravales, Orlando Sol, Lovely Rivero, Simon Ibarra, Pam Prinster, Pauline Mendoza, Miggy San Pablo, Lui Manansala, Rolie Inocencio, Robin Robel, Cristine Ng, Elijah Alejo, at Tricia Cabais.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN