Janine Gutierrez looks back to her best year yet

Good things have happened to Janine Gutierrez in 2015, was the move of her boyfriend Elmo Magalona to another network a downer? “Hindi naman, normally naman sa mga tao, hindi naman talaga officemate mo yung boyfriend mo. Or hindi naman talaga palagi mong nakakasama sa trabaho, so feeling ko, ganun lang din kami ngayon,” she says.


Dahil magpapalit na ang taon, binalikan ni Janine Gutierrez ang pinakamagandang nangyari sa kanya sa taong 2015.

Lahad niya, “Parang iniisip ko nga, this year, parang nakuha ko lahat ng hinihiling ko.

“Kagaya last year, kapag ini-interview ako, palagi kong sinasabi na gusto kong gumawa ng movie.

“’Tapos, this year, nakagawa ako ng dalawang indie, tapos itong sa filmfest.”

Bukod sa indie movies na Dagsin at Lila, kasama rin si Janine sa Metro Manila Film Festival 2015 entry na Buy Now, Die Later.

“’Tapos yung makatrabaho ko si Mama tsaka si Mama Guy.”

Nakasama ni Janine ang ina niyang si Lotlot de Leon at ang Superstar at lola niyang si Nora Aunor sa isang episode ng Karelasyon sa GMA Network.

Ipinagpapasalamat din daw ni Janine ang mga nagawa niyang magazine pictorials.

“Nagkasunud-sunod yung magazine covers since January.”

Hindi na nga maalala ni Janine kung ilan ang magazine covers na nagawa niya sa taong 2015.

“Tsaka nakapag-primetime ako, na mag-lead sa primetime, yung More Than Words.

“Unexpected iyon kasi it was supposed to be na pang-pre-prime tapos nagustuhan nila, so inilipat nila sa primetime.

“Tapos itong Dangwa, ito din.”

Bida si Janine sa umeere ngayong morning series na Dangwa sa GMA, kasama sina Mark Herras at Aljur Abrenica.

“First time ko din magka-endorsement na malaki,”at tumawa si Janine.

Hindi pa raw niya maaaring i-reveal kung ano ang produkto na bukod sa billboard ay magkakaroon din siya ng TV commercial.

SEPARATE WORKPLACE. Kung mayroon mang hindi kagandahang nangyari sa buhay ni Janine sa taong 2015, hindi kabilang dito ang paglipat ng kanyang boyfriend na si Elmo Magalona sa ABS-CBN.

Anya, “Hindi naman, normally naman sa mga tao, hindi naman talaga officemate mo yung boyfriend  mo.

“Or hindi naman talaga palagi mong nakakasama sa trabaho, so feeling ko, ganun lang din kami ngayon.

“Understood naman na siyempre trabaho naman po yung priority naming dalawa.  

“I think nakakatulong lang din na alam namin yung kanya-kanyang schedule.

“He still gets to make time naman for  me and ako din naman, ganun sa kanya, so okay naman po kami.”

May advantage ba na magkaiba ang TV stations nila ng boyfriend niya?  

Ayon kay Janine, “Advantage? I dunno, I guess siguro bagong opportunity din para sa amin na mag-grow bilang artista.

“Kasi, di ba, kasama naman yun sa trabaho na iba-iba yung makakapareha mo.

“’Tapos iba-iba yung mapupuntahan mong palabas… excited ako para sa bagong opportunities niya at ganun din siya sa akin.

“Disadvantage? Siyempre parang nakakapanibago talaga.

“Nasanay ako na two years kaming magkasama sa lahat ng guestings, sa lahat ng presscons, sa lahat ng palabas.

“So, in that sense, talagang naninibago ako lalo na nung unang lipat niya talaga.

“Pero ngayon, okay na.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN