Honor Thy Father producers to MMFF ExCom: "You are muddling the issue."

Sinagot ng mga producer ng Honor Thy Father, kabilang na ang aktor na si John Lloyd Cruz at Direk Erik Matti (nasa larawan, kasama sina Meryll Soriano, Dan Fernandez, Khalil Ramos, at Krystal Brimner), ang panibagong alegasyon na inilabas ng Metro Manila Film Festival (MMFF) Executive Committee kaugnay ng pagkakadiskwalipika ng pelikula sa Best Picture category ng nakaraang Gabi ng Parangal ng MMFF.


“You are muddling the issue.”

Ito ang sagot ng mga producer ng Honor Thy Father na sina Dondon Monteverde, Erik Matti, at John Lloyd Cruz, sa kanilang open letter para sa mga miyembro ng Metro Manila Film Festival (MMFF) 2015 Executive Committee na nagdesisyong i-disqualify sa Best Picture category ang kanilang pelikula dahil ito ang opening film ng Cinema One Originals Festival noong November 2015.

Nakasaad pa sa open letter, “Honor Thy Father was not an MMFF entry when we accepted invitations to screen at international film festivals.

“You rejected our film in June and invited us to join MMFF in October.

“You did not bring up HTF’s international screenings in the letter of disqualification you sent to us one day before the awarding ceremony.

“You disqualified us because, according to you, we did not disclose to you HTF's screening as the Opening Film of CinemaOne Originals.You are muddling the issue.

“It must be hard being in your shoes right now. May we suggest that you do the right thing? Tell the truth.

“It’s not easy getting your story straight otherwise.”

NEW ALLEGATION. Naglabas ng open letter ang mga producer ng Honor Thy Father dahil sa panibagong akusasyong ipinalabas din ang nasabing pelikula sa Hawaii International Film Festival na idinaos noong November 12 hanggang November 22, 2015.

Ito raw ang nadiskubre ng mga miyembro ng executive committee ng Metro Manila Film Festival 2015.

Pahayag ng isang MMFF insider sa PEP.PH (Philippine Entertainment Portal), “Lumahok din ang Honor Thy Father sa Hawaii International Film Festival sa Honolulu.

“Ipinalabas ang pelikula, November 14, 8 P.M., at November 18, 2:45 P.M., ayon sa festival schedule na makikita sa website ng Hawaii International Film Festival.

“Ang ticket prices ay US$10 for members, $12 for military service men, senior citizens and students, at $14 para sa general public.

“Ipinalabas sa Hawaii ang Honor Thy Father pagkatapos ng Cinema One Originals Festival na naging dahilan para ma-disqualify ang Honor Thy Father sa Best Picture category.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa pamamagitan ni MMDA Chairman at MMFF ExCom head Atty. Emerson Carlos, nanindigan ang MMFF ExCom sa kanilang desisyon na i-disqualify sa best picture category ang Honor Thy Father dahil naipalabas na ito sa ibang mga film festival na ipinagbabawal sa MMFF.

“We stand firm on the decisions made for the MMFF in the awards night.

Honor Thy Father was disqualified for the reason that it was already shown in other film festivals, which is in violation of MMFF rules.

“This is not a decision of one single person alone, but of a collegial body,” pahayag ni Carlos.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN