Chynna Ortaleza and Kean Cipriano tie the knot

Kapuso actress Chynna Ortaleza posted a photo on her Instagram account last New Year's eve, where she showed the wedding rings of her and Callalily vocalist Kean Cipriano. The two reportedly got married a few weeks ago.


Bago pa mag-Bagong Taon, isang pasabog ang ipinost ng Kapuso actress na si Chynna Ortaleza sa kanyang Instagram account.

Ipinost ni Chynna ang larawan ng mga kamay nila ng lead vocalist ng Callalily at aktor na si Kean Cipriano.

Sa mga daliri nila ay makikita ang wedding rings na kanilang suot.

Simbulo ito na kasal na sina Chynna at Kean.

Tila sagot na rin ito sa ilang blind items at bulung-bulungan sa showbiz sa diumano'y totoong estado ng relasyon ng dalawa.

Sa pagkakaalam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), ilang linggo bago magtapos ang 2015 nang magdesisyon na magpakasal nina Kean at Chynna sa pamamagitan ng isang civil ceremony. Pero may plano rin silang church wedding.

Halos lahat naman ng nagko-comment, mapa-Instagram o Facebook, sa post ni Chynna ay masayang-masaya para sa kanilang dalawa ni Kean.

Siyempre, masaya at suportado rin sila ng kanilang pamilya at maging ang kanilang mga networks, tulad ng GMA Network sa panig ni Chynna.

Narito ang naging post ng Kapuso star: "Always Love 1 Corinthians 13: 4-8 Love is patient, love is kind. It does not envy, it does not boast, it is not proud. It does not dishonor others, it is not self-seeking, it is not easily angered, it keeps no record of wrongs. Love does not delight in evil but rejoices with the truth. It always protects, always trusts, always hopes, always perseveres. Love never fails. Our love & gratitude to our Cipriano & Ortaleza Families! Happy New Year! God bless you all!”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN