Alfred Vargas's mother-in-law mauled inside a bank

Attempted homicide ang kasong isinampa ng Quezon City Police laban kay Cynthia Huang (inset) ang suspect sa pananakit kay Nerissa Espiritu, ang 64-year-old retired teacher at mother-in-law law ng aktor at ng Quezon City Fifth District Rep. Alfred Vargas.


Attempted homicide ang kasong isinampa ng Quezon City Police laban kay Cynthia Huang, 37, ang suspect sa pananakit  kay Nerissa Espiritu, ang 64-year-old retired teacher at mother-in-law law ng aktor at ng Quezon City Fifth District Rep. Alfred Vargas.

Nangyari ang insidente noong Martes, December 29, sa Banco de Oro branch sa Barangay Valencia, Quezon City.

Ayon sa police report, nagkaroon ng pagtatalo ang dalawa dahil inagaw ni Huang ang silyang uupuan ni Espiritu para sa mga senior citizen.

Tinangka ng mga security guard ng Banco de Oro na awatin sina Espiritu at Huang.

Pero pinagsasampal daw ni Huang sa mukha at paulit-ulit na pinukpok sa ulo ng acrylic glass na lagayan ng bank leaflets ang biktima.

Mag-isang pumunta si Espiritu sa UERM Hospital dahil hindi raw siya tinulungan ng bank personnel.

Base sa pagsusuri ng mga doktor, bibilang ng linggo hanggang isang buwan ang full recovery niya.

Samantala, nagsampa si Huang ng kontra demanda na physical injuries, grave threats, at robbery na nagkakahalaga ng P100,000 laban sa biyenan ni Alfred.

ALFRED'S STATEMENT. Hiningi ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ngayong hapon, January 1, 2016, ang reaksiyon ni Alfred kaugnay ng pananakit sa ina ng kanyang asawang si Yasmine Espiritu.

Pahayag ng actor-politician, “My mom-in-law is getting better. Thank  God.

“Yun naman ang primary concern namin, ang health and condition niya.

"Traumatized pa rin siya until now but she's getting better.

“The doctor said it might take a few weeks to a month for her full recovery.”

Ayon kay Alfred, disappointed siya dahil walang ginawang aksiyon ang manager ng Banco De Oro.

Saad niya, “I have not heard about Cynthia Huang  since the inquest two days ago.

“We'll just leave it to the legal process na lang since the case has been filed already.

“Ang masakit lang talaga until now para sa aming pamilya ay ang ginawa ng branch manager ng Banco de Oro Broadway Centrum branch nang mangyari ang incident.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Her name is Arlene Paguio.”

Dagdag ni Alfred, “After it happened, she did not call the police immediately.

“What's worse was that she nor any of her staff did not even call an ambulance!

“She did not help my 64-year-old mother-in-law who was seriously hurt, injured, and bleeding that time inside Banco de Oro Broadway Centrum.

“She never even approached my mother-in-law to comfort or assist her or check her condition.

“My mom-in-law had to go outside BDO and call a taxi herself to go to the hospital while bleeding profusely.

“Arlene Paguio assisted the suspect, Cynthia Huang, the whole time by keeping her in one of their inaccessible rooms inside the bank for several hours.

“When we were asking for the suspect's name, the manager even refused to tell us the name of their VIP client.

“Later that day, the manager did not allow the police from entering the bank therefore delaying arrest.

“This whole thing could have been prevented if only the manager had a heart and did the right thing.

“We hope that Banco de Oro main office will do something about this.

“This is a very unfortunate event which I pray won't happen to anyone.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN