Talents relate humiliation they suffered from director Cathy Garcia on Forevermore set

Isang open letter ang inilathala sa Facebook ng isang Rossellyn Domingo upang ilahad ang panghihiyang naranasan niya at ng kanyang boyfriend mula sa direktor na si Cathy Garcia (nasa larawan) habang ginagawa nila ang teleseryeng Forevermore ng ABS-CBN.


Viral ngayon sa social media ang open letter ng isang dating “ekstra” para sa Forevermore director na si Cathy Garcia-Molina.

Ang nasabing teleserye ng ABS-CBN ay pinagbidahan nina Liza Soberano at Enrique Gil. Umere ito mula October 2014 hanggang May 2015.

Sa pamamagitan ng Facebook note, na nailathala noong Huwebes, December 31, naglabas ng sama ng loob ang isang Rossellyn Domingo laban sa kilalang direktor.

Dito ay sinabi niyang minura at ipinahiya siya at ang kanyang boyfriend ni Direk Cathy.

Si Rossellyn ay gumanap sa Forevermore bilang Celia. Ang boyfriend naman niyang si Alvin Campomanes ay pansamantalang humalili sa dapat sana'y gaganap bilang Makoy.

Pahayag ni Rossellyn sa kanyang open letter pata kay Direk Cathy:

“Hindi kasi kaya ng sikmura ko ang pagmumura niyo sa mga ekstra. Sagad sa buto.

“Napakasakit para sa akin na mura-murahin niyo nang paulit-ulit ang boyfriend ko sa harap ng maraming tao.

“Nakatatak sa alaala ko ang mga ngisi at tawanan ng mga staff at cameramen niyo kapag nagpapakawala kayo ng mga mura.

“Hindi niyo alam kung gaanong iginagalang ng napakaraming tao ang 'ekstrang' minura-mura at ipinahiya ninyo.”

Ayon kay Rossellyn, may ilang nagsabi sa kanyang unawain na lamang ang kilalang direktor at huwag na lamang personalin.

Dagdag pa niya, “Ayon nga sa isang boss niyo sa ABS-CBN na sumagot sa amin sa email, 'you are known for cursing in the set' at iyon raw ang paraan niyo ng pag-cope sa stress ng inyong trabaho.

“Ganoon ba talaga pag stressed? Dapat kang maging insensitive sa damdamin ng ibang tao para guminhawa ang pakiramdam mo?”

Sa kanyang open letter, inamin ni Rossellyn na marahil ay may pagkakamali rin siyang nagawa. Gayunman, nais niyang makakuha ng paumanhin mula kay Direk Cathy.

Ayon pa kay Rossellyn, naisangguni na nila sa pamunuan ng ABS-CBN ang kanilang hinaing, subalit hanggang ngayon ay naghihintay pa rin sila ng pagkakataong makaharap ang direktor na kilala sa kanyang romantic-comedy films.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pwede bang sumama kayo na humingi ng paumanhin para mapayapa na ang aming isip at loob?

“Marahil alam niyo na noon na may na-offend kayong tao pero wala lang kayong pakialam dahil kayo si Direk Cathy G.

“O baka sakali, hindi lang kayo aware sa bigat ng inyong nagawa, kahit isang taon na kaming nagpa-follow up sa ABS-CBN at ilang beses na ring napangakuan na paghaharap-harapin tayo.”

Kasunod ng mga pahayag na ito ni Rossellyn, ibinahagi niya ang reklamong ginawa ng kanyang boyfriend noong October 2014.

“Sana sa pamamagitan nito, maunawaan niyo ang tindi at bigat ng gaspang ng ugali na ipinakita niyo,” aniya.

FORMAL COMPLAINT. Ang pormal na reklamong ginawa ng boyfriend ni Rossellyn na si Alvin Campomanes ay naka-address kay ABS-CBN Channel Head Cory Vidanes.

Sa umpisa ay nagpakilala si Alvin bilang isang historian at educator.

Nabanggit din niya ang ilang interviews sa kanya ng ABS-CBN programs para maging resource person sa public affairs shows ng network.

Patuloy ni Alvin, “I write this letter to protest the indignities that I have suffered as a talent in a location shooting of Forevermore from October 6-7, 2014.”

Ayon pa kay Alvin, magkasalungat ang ipinakita ni Direk Cathy noong first taping day—kung saan sinabi niya sa isang dasal na ang teleserye ay para mag-"entertain" at magturo ng “values” sa mga manood—sa asal niya sa bit players o ekstra sa teleserye.

Paglalarawan pa niya, “I recoil when I remember how her behavior toward bit players and those who work behind the camera so brazenly contradicted her pious pronouncements.

“Her hypocrisy was disconcerting to watch.

“She was servile to Luz Fernandez, courteous to Joe Gruta, solicitous to Liza Soberano, and friendly to Joey Marquez and Irma Adlawan.

“Liza committed a lot of mistakes in delivering simple lines, but the director shielded her from criticism.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“She never uttered anything that could embarrass the young actress.

“This sensitiveness to the feelings of others however, was selective; it was only for stars and veteran actors.”

Upang idiin ang pagkakaiba ng pagtrato sa kanila, naikuwento ni Alvin kung paano mag-utos si Direk Cathy sa mga talent na tulad niya at sa girlfriend na si Rossellyn.

“The 'Romantic Comedy Queen' instructs talents by shouting, insulting, and spitting all sorts of curses.

“She is a character straight out of the Noli.

“She is subservient to the wealthy and the powerful like Capitan Tiago, despotic like Padre Damaso and despicably pretentious like Padre Salvi and Doña Victorina.”

PERSONAL EXPERIENCE. Sa mga sumunod na pahayag ni Alvin sa formal complaint na inihain nila noong October 2014, ibinahagi niya ang kanyang personal na karanasan sa diumano'y pagpapahiya ni Direk Cathy sa mga maliliit na talents.

Aniya, “I was verbally abused.'P***** i**! Ang hirap turuan!' '’K***** i**!”“P****** ka, Makoy!'

“At that point, I remember Joey Marquez spared me from further humiliation by coaching me on how to position my body for that particular scene.

“I believe he was uncomfortable seeing me endure all those hurtful remarks, aware as he was that his daughter Winwyn [Marquez] was my student in San Beda.

“As a matter of prudence, I struggled to maintain my composure.

“I did not want to engage a woman who is almost as old as my parents in a shouting match.

“I am the better person. I was raised well by my parents. I was formed well by my teachers. I am an educator. I had the moral ascendancy.”

Halos ganito rin daw ang nangyari sa ikalawang araw niya sa set ng Forevermore.

Dahil sa baguhan, inamin ni Alvin na nagkamali siya sa blocking sa isang eksena.

Kuwento niya, “I was denigrated again by the director. I remember her shouting the following: 'Makoy! Nasaan ang camera mo!” “T*** i**!' and 'Alam mo, ikaw, inutil ka.'

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I saw how people in the production staff grinned and laughed at me.

“The director did not tell them to stop. I was no star like Liza Soberano.

“My girlfriend tried to coach me, but a woman named Ms. Jeng said, 'Celia, nagbibigay ng instructions kay Makoy, wag kang makisali.'

“It was the first time that I was shamed in front of people.

“I finished that scene despite the mental and emotional anguish.”

Matapos nito, tinanong umano ni Alvin ang talent coordinator nilang si John Leonardo kung kailangan pa siya sa mga susunod na eksena.

Sa halip na direktang sumagot, sinabi raw ni John sa kanya, 'Ang kulit-kulit mo! Galit na galit si Direk sa ‘yo.'

“I answered him politely: 'Alam mo namang hindi ko linya ito, first time kong umarte sa telebisyon.'

“He immediately retorted with a rudeness that I will remember for a long time: 'Ay nako! Kahit na!'

Si John din daw ang nakiusap sa kanyang um-absent na lamang sa kanyang trabaho dahil may ilang sequence pa na kakailanganin siya, at babayaran na lamang daw ang halagang mababawas sa kanyang suweldo.

Pero sa halip na pumayag, iniwan daw nina Alvin at Rossellyn ang kanilang ginagampanang karakter sa Forevermore at umuwi na lamang.

“He met his match because I am a talent that cannot be bought.

“Perhaps it was the first time that he encountered talents that cannot be fooled by promises of fame and money,” sabi ni Alvin sa nasabing complaint.

Katulad ng open letter ng kanyang girlfriend, umaasa si Alvin na sa pamamagitan ng complaint niya ay mabigyan ng pansin ng pamunuan ng ABS-CBN ang naging asal ni Direk Cathy.

“Let this outcry be a challenge to the integrity of ABS-CBN. I am calling on the network to prove to all of us that your core values are more important than 'ratings, revenues, and profits.'

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I demand disciplinary action on Cathy Garcia Molina, Jeng and John Leonardo.

“If justice will not be served, if this plea will not be heeded, then it only means that your company condones the uncivil behavior of your people because they bring in 'ratings, revenues and profits.'”

Bukas ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa anumang pahayag na nais iparating ni Direk Cathy o ng pamunuan ng ABS-CBN tungkol dito:

Samantala, narito ang kabuuan ng open letter ni Rossellyn Domingo:


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN