Leren Mae Bautista wins Miss Tourism Queen of the Year International

Kinoronahan bilang Miss Tourism Queen of the Year International ang Mutya ng Pilipinas-Asia Pacific International na si Leren Mae Bautista sa coronation night na ginanap noong December 31, 2015, wq Putrajaya Marriott Hotel and Spa Grand Ballroom sa Sepang Utara, Malaysia.


Muling nakasungkit ng Pinay ang korona sa international beauty pageant nitong December 31, 2015 sa Malaysia.

Bago pumasok ang 2016, kinoronahan bilang Miss Tourism Queen of the Year International ang Mutya ng Pilipinas-Asia Pacific International na si Leren Mae Bautista.

Naganap ang naturang pageant sa Putrajaya Marriott Hotel and Spa Grand Ballroom sa Sepang Utara, Malaysia.

Tinalo ng 22-year-old na taga-Laguna ang 52 candidates para sa naturang titulo.

Ang runners-up ni Leren na nabigyan din ng iba’t ibang titles ay ang mga sumusunod: Miss India (Dream Girl of the Year International); Miss Iceland (Miss Tourism Cosmopolitan International); Miss Lithuania (Miss Tourism Global International); at Miss Uganda (Miss Tourism Metropolitan International).

Ito ang ikatlong beses na napanalunan ng Pilipinas ang Miss Tourism Queen of the Year International.

Una itong napanalunan ni Sherylle Santarin noong 1996 at sumunod si Raquel Uy noong 1999.

Noong 1993 pa nagsimula ang Miss Tourism Queen of the Year International sa Kuala Lumpur, Malaysia.

Ang franchise nito ay pag-aari ng Malaysia’s D’ Touch International. Sila rin ang may hawak ng Miss Tourism International.

Higit sa 50 countries ang sumasali sa parehong pageants taun-taon.

PINAY BEAUTY QUEENS. Sa panalong ito ni Leren, kasama na siya sa mga Pinay beauty queens na nanalo ng korona sa iba’t ibang international beauty pageants noong 2015.

Nangunguna rito si Pia Alonzo Wurtzbach na nanalong Miss Universe sa Las Vegas, Nevada, U.S.A., noong December 21.

Kasama rin sa mga nagwaging Pinay ay sina Angelia Ong (Miss Earth), Ann Lorraine Colis (Miss Globe), Cindy Madumma (Miss Scuba International), at ang transgender woman na si Trixie Maristela (Miss International Queen).

Naging runners-up naman sina Christi Lynn McGarry (Miss Intercontinental 1st runner-up and Multimedia Award) at Parul Shah (Miss Grand International 3rd runner-up).

Napasama naman sa Top 10 finalists si Janicel Lubina sa Miss International at gayundin si Hillarie Parungao sa Miss World.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Si Rogelie Catacutan naman ay umabot sa Top 20 ng Miss Supranational.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN