Alden Richards cries over surprise birthday celebration on Eat Bulaga!

Alden Richards couldn't help but shed tears as he dedicates his successful showbiz career to his late mom: “Ma, kung nasaan ka, sana masaya ka kasi para sa 'yo ito, e. Lahat para sa 'yo," he partly said during his 24th birthday celebration on Eat Bulaga! earlier today, January 2.


Naging emosyunal si Alden Richards sa sorpresang inihanda ng kanyang Eat Bulaga! family ngayong Sabado, January 2.

Ngayong araw ang mismong 24th birthday ng tinaguriang Pambansang Bae.

Una na rito ang pagkanta ng kalahati ng AlDub na si Maine Mendoza (aka Yaya Dub) ng “The Closer I Get To You.”

Ipinakita rin ng dalaga kung paano siya nag-bake ng tinatawag niyang “Maine-bow cake” para kay Alden.

Kakatwang mayroon ding “Wild Boys” production number si Jose Manalo (aka Lola Tinidora) kung saan sumayaw siya nang nakabahag.

Base ito sa parehong dance number na ginawa ni Alden sa talent portion nang sinalihan nitong male pageant bago pa siya pumasok ng showbiz noon.

SURPRISE VISIT FROM DADDY BAE & FRIENDS. Pagkatapos ay sorpresang dumating din sa Eat Bulaga! studio ang mga naging guro, kaklase, kababata, at kaibigan ni Alden.

Makikitang masayang nakipagkulitan si Alden sa mga dating kaklase lalo pa't matagal na rin umano silang hindi nakakapag-reunion.

Ibinuking din si Alden ng kanyang mga guro kung paanong mahilig magpanggap na nagwawalis ang binata para lang mangulit sa mga kaklase noong nag-aaral pa ito.

Madalas din umanong tumatakas si Alden sa haircut inspection dahil ayaw raw nitong sundin ang required haircut na ipinapatupad sa kanilang paaralan.

Bukod dito ay nag-perform din ng isang surprise song number ang mismong ama ni Alden na si Richard Faulkerson (a.k.a. Daddy Bae).

Kinanta ni Daddy Bae ang isa sa mga madalas na kantahin ni Alden sa "Kalyserye" segment ng Eat Bulaga! at mall shows, ang “Ngiti.”

Sa huli, hindi na napigilang napaluha ni Alden nang hingan siya ng mensahe kaugnay ng kanyang 24th birthday celebration.

Dito ay pinasalamatan ni Alden ang mga taong naghanda ng sorpresa para sa kanya kabilang na ang Dabarkads niya sa Eat Bulaga, mga mahal sa buhay, at si Maine.

Higit sa lahat, naging emosyunal si Alden nang ialay ang lahat ng tagumpay na tinatamasa niya ngayon sa kanyang namayapang ina.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

ALDEN'S BIRTHDAY SPEECH. Narito ang kabuuan ng speech ng birthday boy na si Alden:

“Hindi po ako nakaranas ng birthday na ganito ka-special.

“Thank you po sa lahat ng nag-isip na gawin po ito.

“Maine, thank you.

“Ma'am Jenny [Ferre, Eat Bulaga! creative consultant], sa lahat ng writers, at saka Mr. [Tony] Tuviera, Eat Bulaga! thank you so much.

“Kanina pa ako nagpipigil pero hindi ko na po mapigilan [mapaluha].

“Thank you po. Asahan ninyo po na pagbubutihan ko po yung pagpapaligaya na ibinibigay ko sa inyo, kasama si Maine at Eat Bulaga!

“At maraming salamat po sa ibinibigay ninyong suporta.

“Hindi ko po inakala na mararating namin ang ganito.

“Dahil po sa inyo 'yan.

“Bossing [Vic Sotto], thank you isinama mo ako sa My Bebe Love [Metro Manila Film Festival 2015 entry].

“At sa lahat po ng nagmamahal para sa akin, thank you, Aldenatics, Aldub Nation.

“At saka sa mommy ko.

“Ma, kung nasaan ka, sana masaya ka kasi para sa 'yo ito, e. Lahat para sa 'yo.

“Thank you po. Maraming salamat.”

ALDEN'S MESSAGE FOR MAINE. Bago magtapos ang programa ay nagbigay rin ng hiwalay na mensahe si Alden para sa kanyang ka-love team na si Maine.

Sabi ni Alden tungkol sa ginawang Maine-bow cake ni Maine, “Teka lang, sandali, hindi pa ako nakakapag-thank you kay Maine

“Alam niyo, pagkatapos ng Eat Bulaga! kahapon, nandito siya.

“Tapos, yun pala, yung shoot na sinasabi niya sa akin, pero hindi niya sinabi.

“Meron pala siyang pine-prepare na something special.”

Dagdag na pahayag pa ng binata patungkol kay Maine, “Maine, thank you.

“Alam mo, sa lahat ng mga naging ka-love team ko, isa ka sa mga pinaka-special.

“Tsaka thank you sa effort, thank you sa pasensiya kapag sobrang makulit ako.

“At saka sana walang magbabago.

“At saka AlDub you forever!”

All photos courtesy of Eat Bulaga! Facebook account

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN