Arjo Atayde speaks highly of good friend Bela Padilla

Arjo Atayde on Ang Probinsyano co-star Bela Padilla: "She's a good friend ever since. Madali, okey siyang katrabaho. Mabait. Cowboy. Chill. Very laid back na tao."


Naging napakaganda at napaka-memorable daw ng 2015 para sa Kapamilya actor na si Arjo Atayde.

Ayon kay Arjo, nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) bago magtapos ang 2015 sa kanilang tahanan, “Sobrang solid for me, fun and blessed!

“Actually, especially with the teleseryes... from one teleserye to another, di ba?”

Ang primetime series nilang Ang Probinsyano ay extended pa raw hanggang sa July 2016.

Kahit na kamakailan lang pumasok sa Ang Probinsyano si Richard Yap, natuwa si Arjo dahil masaya rin daw itong kasama at katrabaho.

“Solid. Masayang kasama.

“Makulit din siya, e, lahat ng bad boys makukulit, e,” biro ni Arjo.

Dugtong pa niya, “Nakakatawa yung mga eksena namin. It’s fun. Kapag trabaho, trabaho.

“Pero kapag off-cam, sobrang saya. Kulitan talaga.

"Sama-sama rin kaming boys sa dressing room.”

FUN TIMES WITH BELA. Binalikan naman namin si Arjo sa sinabi niyang wala siyang love interest sa Ang Probinsyano dahil sa takbo ng kuwento.

Pero ngayon ay mukhang mai-involve na talaga sila ni Bela Padilla.

Sabi niya, “Well, masyado na kasing involved talaga yung character ko kay Cardo [Coco Martin's character].

“So, I used her to gain more information. Pero from there, tingnan natin kung ano pa ang mangyayari”

Kaibigan naman daw niya si Bela kahit noon pa.

“She’s a good friend ever since. Madali, okey siyang katrabaho. Mabait. Cowboy. Chill. Very laid back na tao,” sabi niya.

Biro ni Arjo, “Huwag niyo lang bibigyan ng microphone at wala na, hindi na niya bibitawan yun.

“She’s fun, ha? She’s actually one of the people that you would want to be with kung nasa labas ka or anywhere.”

ENJOYING KONTRABIDA ROLE. Tahasan namang sinasabi ni Arjo na nag-e-enjoy siyang talaga sa karakter niya bilang kontrabida.

"Super, super saya.

“Palaging may bagong nangyayari, e.

“Different situation, different attacks. Each and every person is different.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pinaghahandaan pa rin ba niya na mas magiging grabe o masama pa ang karakter niya?

Sagot niya, “Pinaghahandaan? I go through each and every step.

“Hindi ko naman iniisip na mas gagrabe pa, pero may mangyayaring malala towards the end.

“Different intensity.

“Pero yun nga, dinadama ko.

“Kapag dumating ako sa point na I have to level-up, alam ko kung saan ako manggagaling.

“Kaya hindi ko iniisip.”

May mga aktor na gumaganap sa kontrabida roles na nadadala raw hanggang sa pag-uwi nila ng bahay.

Ganun din ba siya?

“Hindi, hindi naman.

“Siguro, mas nagiging snappy ko.

“Hindi naman sa galit, e. Pero parang mas madaling uminit.

“That’s the only thing.

“Hindi ko naman nadadala ang character, hindi ko naman sadya but since we tape practically every day, parang nasasanay ka.

“May ganun naman talaga na nadadala, pero pagod ka na rin.

“Like, seven in the morning, iisipin mo pa ba ang character mo or gusto mo na lang matulog?” natawa niyang sabi.

BUSINESS VENTURE. Last year, pumasok si Arjo sa negosyo. Sariling pera na nga raw ang ginamit niya sa restaurant business nila na Skinita Street Foodz sa Kapitolyo, Pasig.

Sampu raw silang magkakasosyo rito.

Kuwento ni Arjo, “Originally talaga, ayoko na maglagay ng pera.

“But when they showed the good idea and the people naman, they’re kind of acquaintance, why not?

“Actually, I wanted something different from a restaurant business, but since maganda naman ang proposal and very visible, durable naman siya, sabi ko, why not?

“Yung grand opening namin was around 600 people. We closed down the street. We put a bar in the middle. It practically became a street party.

“It will happen once a-month since walang street party rito sa Pilipinas.”

OPENING SALVO. Kung naging maganda ang taong 2015 sa kanya, masasabing maganda ang pagsalubong ni Arjo sa 2016 dahil siya ang pang-opening salvo ng Maalaala Mo Kaya ngayong gabi, January 2.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Si Arjo ang bida sa episode kunsaan gaganap siya bilang isang spiritual psych. Makakasama rin niya rito sina Assunta de Rossi at Dominic Ochoa.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN