Mark Bautista welcomes status as freelance talent

Mark Bautista on his current status as freelance talent: “Kailangan kong patunayan kung deserve ba uli ako sa ibibigay nilang mga projects sa akin.”


Magiging freelancer muna ngayong 2016 si Mark Bautista.

Wala naman siyang pipirmahang kontrata sa mga gagawing programa sa TV5, sa ilalim ng supervision ng Viva Productions sa pamumuno ni Boss Vic del Rosario.

Saad ni Mark sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Para sa akin, sa stage ko ngayon, parang okey pa na wala munang network.

“Parang kailangan ko uling i-prove ang sarili ko, parang back to zero, which is okey para ma-inspire ako.

“Kailangan kong patunayan kung deserve ba uli ako sa ibibigay nilang mga projects sa akin.”

Iginiit naman niyang walang problema sa kanya kung magsimula siyang muli bilang singer.

“Ganun talaga, e. 'Eto naman malapit sa akin na show dahil doon ako nagsimula. So, okey sa akin.”

Ang tinutukoy ni Mark ay ang gagawing reality talent show na pagsasamahan nilang dalawa ni Ogie Alcasid bilang hosts.

Deskripsyon niya, “Parang Star for a Night, gusto ni Boss Vic. Same concept din pero in-update ito.”

Maliban dito ay wala nang ibang pang gagawing show si Mark, maging sa acting.

“Yun nga, puro lang acting. Acting ko ngayon, puro lang sa ABS- CBN, e.

“May invitation for Maalaala Mo Kaya, Ipaglaban Mo.

"Si Direk Ruel [Bayani] naman sabi niya, 'Okey, magpaganda ka ng katawan, kaya 'yan.'”

OFFERS FROM OTHER NETWORKS. Hindi raw masasabing wala na sa GMA Network si Mark dahil paminsan-minsan ay naiimbitahan siya para lumabas sa ilan sa mga shows dito.

“Si Boss Vic, may ibinigay na show sa TV5, pero a week before that, inimbitahan pa ako ng GMA for StarStruck finals.

“Parang freelance na. Yung ABS, nag-i-invite pa rin.

“Parang walang 'close the door,' which is okay for me.”

Nagkaroon daw ng kontrata si Mark sa GMA-7 dati na tumagal ng tatlong taon.

Dalawang taon na raw mula nang magtapos ang kontrata niya sa Kapuso network.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pahayag ni Mark sa sitwasyon niya ngayon, “Kami naman nawalan ng show, parang wala namang ibinibigay ang GMA.

“Hindi namin alam kung anong gagawin. Parang hanging kami.

“Buti na lang may invitation sa iba’t ibang channel.”

Sunday All Stars ang pinakahuling show ni Mark at inamin niyang hindi sila handa na mawalan ng programa nung panahong iyon.

Biglang hindi kami nakapag-ready man lang. So, parang, okey.

“Actually, last two Sundays ago, parang nag-Sunday All Stars, parang may invitation pa ako.

“So, parang okey naman yung relationship namin with GMA.

“Yun nga lang, ang hirap nga lang na parang nag-aabang kami kung ano ang gagawin namin.”

Hindi ba na-frustrate si Mark sa kinalabasan ng career niya sa Kapuso network?

Sagot niya, “Alam mo, ang hirap ma-frustrate sa showbiz na parang dapat hindi mo masyadong dibdibin.

"Na parang kung may show ka, minsan natutunan ko na, 'Okey, kung may show, just go with the flow. Pag nawala, ganun talaga.'

“Part yun ng buhay sa showbiz.”

HOPEFUL FOR STAGE RERUN. Gusto ni Mark na muling sumabak sa theater scene sa London.

Isang taon na ang nakalilipas mula nang magwakas ang Here Lies Love, isang musical theater production na sinamahan ni Mark sa London.

Pahayag niya, “Ayaw kong isipin pero sinasabi lang nila na may rerun kami sa 2017, pero ayokong isipin.

“Hangga’t wala pa doon, hanggang hindi pa kayo ini-air, ayaw kong umasa.

“Pero oo naman, gusto kong mag theater uli sa London.”

Samantala, ngayong January na ang last run ng musical theater production nilang Bituing Walang Ningning. Kaya nga nakakaramdam ng kasiyahan si Mark dahil may sasalo sa kanyang TV project sa TV5.

LOVE LIFE. Pagdating naman sa kanyang love life, wala pa rin daw bagong girlfriend ang mang-aawit.

Ang huling kasintahan niya ay ang Miss World 2011 First Princess na si Gwendolyn Ruais.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon kay Mark, mula noong maghiwalay sila tatlong taon na ang nakakaraan ay hindi na siya nagkaroon pa ng bagong girlfriend.

“Sabi ko, wala na akong mahanap na ganung klaseng personality.

“Pero soon nasa stage na ako, na kailangan ko nang... hindi naman mag-asawa, pero kailangan ko na seryosong for the future na.

“Hopefully, kasi lahat ngayon nagkakasalan na, e.”

Gustuhin man ni Mark na balikan si Gwen, engaged na ito sa kasintahang si David Semerad.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN