Carla Abellana pleads for humane treatment of zoo animals

Ikinainis ni Carla Abellana ang tila hindi magandang trato ng mga nangangalaga ng mga hayop sa mga zoo. Sabi ng Kapuso actress, dapat ay isara na lang ang mga ito at ilipat ang mga hayop na naninirahan dito sa animal sanctuaries kung saan malaya ang mga itong makapamuhay.


Nanawagan ang Kapuso actress na si Carla Abellana sa pamahalaan na dapat pakawalan na ang mga hayop na nakatira sa mga zoo.

Isang larawan ng tigre mula sa isang website ang ipinost ni Carla sa kanyang Instagram account, kung saan sa original na post nito nakasaad ang isang open letter mula sa isang netizen na nagdetalye tungkol sa kalunos-lunos na kalagayan ng naturang hayop sa Manila Zoo.

Ani Carla, “This is terrible. All I know for sure is that this isn't the first.

"I believe it's best if they just close down Manila Zoo and even Malabon Zoo, quite honestly.

"These animals deserve to be in much better sanctuaries.

"I wouldn't like to think they should be released in their true homes because either they'd be helpless in surviving on their own [because they were raised in captivity], hunted down and killed, or both.”

Umaasa rin ang Because of You star na isara na lang ng gobyerno ang mga zoo na ito at ilipat ang mga hayop na naninirahan dito sa isang animal sanctuary.

Saad niya, “I hope our government won't forget we actually have "zoos."

Diin pa ni Carla, "I wouldn't even call them zoos. But more importantly, I hope our government will just close these zoos down and transfer the animals to sanctuaries such as the one in Calauit.

"Government officials, PLEASE HELP. #notoanimalcruelty #yestoanimalresponsibility.”

This is terrible. All i know for sure is that this isn't the first. I believe it's best if they just close down Manila Zoo and even Malabon Zoo, quite honestly. These animals deserve to be in much better sanctuaries. I wouldn't like to think they should be released in their true homes because either they'd be helpless in surviving on their own (because they were raised in captivity), hunted down and killed, or both. I hope our government won't forget we actually have "zoos". I wouldn't even call them zoos. But more importantly, i hope our government will just close these zoos down and transfer the animals to sanctuaries such as the one in Calauit. Government officials, PLEASE HELP. #notoanimalcruelty #yestoanimalresponsibility

A photo posted by Carla Abellana (@carlaangeline) on

Matagal nang adbokasiya ni Carla ang kapakanan ng mga hayop at palagi itong namumuna kapag may mga paglalapastangang ginagawa sa mga ito.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN