Ogie Alcasid welcomes Vic del Rosario's entry to TV5

Ogie Alcasid will host TV's first singing contest, which is in many aspects a revival of Regine Velasquez's Search For A Star, but "with a twist," he assures.


Nilinaw ni Ogie Alcasid ang balitang na-disappoint diumano siya nang pumasok ang Viva Entertainment sa TV5.

Ang Viva ay pinamamahalaan ni Vic del Rosario, na siyang tumatayong head ngayon ng Entertainment department ng Kapatid network.
 
Pahayag ni Ogie, “Hindi naman ako na-disappoint.

“Pero naghihintay ako ng earth-shaking experience, kung ano ba ang puwedeng mangyari.
 
“Ganun talaga, limitado yung talents namin noon sa TV5, kami-kami lang.

“Noong dumating ako, nandiyan lang si Sharon [Cuneta], si Derek ([Ramsay]; si Aga [Muhlach] paalis na, then si Robin Padilla.
 
“Wala kang magagawa, wala kang talents, e, then the newcomers.”
 
Ano ang impact sa kanya ng pagpasok ni Boss Vic sa TV5?
 
“Maganda!” mabilis na sagot ni Ogie. “Maganda, maganda

“Unang-una, si Boss Vic, hindi naman iba sa akin.

"Ninong din namin sa kasal at saka parang tatay rin ni Regine [Velasquez, Ogie's wife] yun.”
 
Positibo rin daw para kay Ogie ang merging ng TV5 at Viva.
 
Sabi niya, “Nakikita ko kasi, nandiyan na yung mga talents… sina Richard Gutierrez, Mark Bautista.

“Dati, paggalaw mo, yun na yun. Ngayon, may mga bago nang artista.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Ogie sa launching ng upcoming singing search ng TV5 na Born To Be A Star, na ginanap sa The Music Hall ng Metrowalk, Ortigas City, ngayong Lunes, January 4.

BORN TO BE A STAR. Maganda ang pagpasok ng taong 2015 para kay Ogie dahil siya ang magsisilbing host ng Born To Be A Star, ang bagong singing competition ng TV5.
 
Ayon kay Ogie, brainchild ni Boss Vic na i-revive ang Search For A Star na hinost ni Regine Velasquez at naipalabas sa GMA Network noon.

“Gusto niyang i-revive, siyempre with a twist.
 
“Nandiyan na kami, then sila Mark [Bautista], Aiza [Seguerra], Pops Fernandez.

“Siyempre, dun ipinanganak si Sarah Geronimo na anak-anakan ni Regine.
 
“Sa Born To Be A Star, every week, may weekly champion, you have to beat that; obviously, hindi naman bago yun.

“But I think, kaya niya [Boss Vic] gustong ibalik kasi yung mga reality shows, may journey, di ba?
 
“Malalaman mo lang ang winner kapag dulo na.

“Wala siyang elimination process na nagbabakbakan every week, sa simula pa lang…. ganun ka-intense ang battle.
 
“Kantahan talaga in the tradition of Tawag ng Tanghalan noong araw.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sina Yassi Pressman at Mark Bautista ang magiging segment hosts at judges naman sina Aiza Seguerra, Andrew E, Rico Blanco, at Pops Fernandez.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN