Kathryn Bernardo tags Daniel Padilla as her "protector"

Daniel Padilla and Kathryn Bernardo in Japan for a brief holiday vacation together with their respective families.


Maiksi ngunit makahulugan ang paglalarawan ni Kathryn Bernardo, 19, sa kanyang reel- at rumored real-life sweetheart na si Daniel Padilla, 20.

Base ito sa larawan ni Daniel na ibinahagi ni Kathryn sa kanyang Instagram account ngayong araw, January 4.

Dito ay tinawag ng aktres si Daniel na kanyang “protector.”

Tila patunay ito na nananatiling matatag ang pundasyon ng samahan ng rumored couple.

P R O T E C T O R

A photo posted by Kathryn Bernardo (@bernardokath) on

Kinakiligan ito nang husto ng fans nina Kathryn at Daniel (KathNiel) na ilang araw nang humihiling sa mga iniidolo nila na mag-post ng larawan nilang magkasama sa Japan.

Nagbakasyon kasi sina Daniel at Kathryn, kasama ang kani-kanilang pamilya, sa Japan nitong nakaraang linggo.

Mismong ang ina ni Daniel na si Karla Estrada (aka Carla Ford) ang nagbahagi ng larawan na magkasama sina Daniel at Kathryn sa Universal Studios.

Tila fan art ang naturang larawan na may nakalagay na “kchandriaford” o pinagsamang pangalan ni Kathryn (aka Kathryn Chandria Manuel Bernardo) at apelyido ni Daniel (aka Daniel John Elago Ford).

A photo posted by carla ford (@carlaford1121) on

Samantala, kapansin-pansing gumawa ng bagong Instagram account si Daniel na may handle name na "supremo_dp."

Iilan pa lamang ang black-and-white photos ang ibinahagi ni Daniel na may mahigit nang 70,000 followers sa ngayon.

Isa sa huling post ng aktor ay ang larawan niyang may caption na hango mula sa lyrics ng kanta ni Lionel Richie na “Easy.”

Sabi rito, “Everybody wants me to be what they want me to be. I’m not happy when I try to fake it.”

Everybody wants me to be what they want me to be.. I'm not happy when i try to fake it

A photo posted by @supremo_dp on


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN