Regine Velasquez recalls funny experience in crashing a wedding in Boracay

Isang dare mula sa asawang si Ogie Alcasid kaya naman napakanta nang wala sa oras si Regine Velasquez sa isang wedding reception sa Boracay nitong bago mag-Bagong Taon. Masaya naman daw siya at kahit papano ay nabigyan niya ng kaligayahan ang mga bagong kasal na hindi nila kakilala.


Natatawa na lang ang Asia’s Songbird na si Regine Velasquez kapag inaalala ang ginawa niyang pagge-gatecrash sa isang wedding reception sa Boracay nitong nakaraang December 29.

Naging viral sa social media ang video ni Regine habang kumakanta sa stage na pinagdausan ng wedding reception. 

So we crashed a wedding party earlier tonight ??? @ogiealcasid #GoodNate #GodBless

A video posted by reginevalcasid (@reginevalcasid) on

Kuwento pa ng singer-actress, “We came from another area in Boracay na nilakad namin nang pagkalayu-layo, parang bundok na yata yun, para lang uminom ng kung anumang inumin yun. Basta lumakad kami.

"Going back, it was around mga 8:30 [P.M.], kasi meron kaming dinner at 9 dun sa Discovery Shores.

"Yung katabing hotel, meron palang wedding. Tapos yung asawa ko [Ogie Alcasid], ‘Dare kita, kanta ka.’

“So, kumanta naman ako. Nakakatuwa… nung bago kami dumating, parang ang lungkot na, kasi late na, e.

“I’m sure the wedding was sunset, it was already 8:30, so they were all like this na [nakatulala].

"I didn’t even see the groom and the bride. They’re probably inside the hotel, in the bar and drinking.

“So, when I sang, lahat sila nagpuntahan, nakita ko na yung bride, ang dami ng tao bigla.

"Nakakatuwa naman, wala lang.”

Noong una raw ay parang nag-alangan pa siyang baka hindi siya papasukin sa venue.

Sabi ni Regine, "Pero nakakatuwa din pala yun. You know, I’ve never done that before.

"Kasi natatakot ako, baka sabihin na hindi puwede, kasi naka-cordon pa yung area.

“Kasi hindi ko naman ina-assume na kilala pa nila ako… na kilala nila ako dun.

"Kasi wala naman akong make-up, naka-shorts pa nga ako, may bag pa ako.

"So, pumanhik lang ako, kumanta.

“Yung band, nag-react sila kaagad, e, tapos kinuha ko na yung mic at kumanta na ako.

“Tapos nung umalis na kami, parang ang saya-saya na nila ulit.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Regine ngayong Lunes, January 4, sa muli niyang pagpirma ng kontrata sa GMA Network.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Read: Regine Velasquez inks two-year exclusive contract with GMA Network


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN