Is Pia Wurtzbach willing to share Miss Universe crown with Miss Colombia?

Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach says she understands disappointed fans of Miss Colombia Ariadna Gutierrez. “That's completely understandable. If it was the other way around, I'm sure the Filipinos will also feel a little bit disappointed with the results.”


“It's surreal. I'm so happy. I'm so excited. I can't wait to officially start my reign.”

Ito raw ang kasalukuyang pakiramdam ni Pia Wurtzbach bilang bagong Miss Universe.

Sa unang pagkakataon ay nagpaunlak ng one-on-one interview si Pia sa host ng Good Morning America na si Lara Spencer ngayong Lunes, January 4 (US time).

Katulad ng mga nauna niyang pahayag sa social media, sinabi ni Pia na sobra ang kaligayahan niya nang mapunta sa kanya ang korona, sa kabila ng pagkakamali ng host na si Steve Harvey sa pag-announce ng nanalong Miss Universe.

“It was very exciting. Of course, I wanted to win.

“I joined Miss Philippines three times just to earn the sash that says Philippines.

“And, of course, I wanna win Miss Universe.

“In the Philippines, it's a big deal. It's been 42 years since we last won.

“So, everybody's been anticipating to finally get the crown, and we finally did it!”

SHARING THE CROWN. Dahil sa kontrobersiya sa announcement ng winner sa Miss Universe, may ilang nagsasabing mas mabuti kung mag-share na lamang sina Pia at Miss Colombia Ariadna Gutierrez sa korona.

Kabilang sa mga nagmungkahi nito ay ang dating co-owner ng Miss Universe Organization na si Donald Trump.

Pahayag ni Trump sa panayam sa kanya ng Today noong December 21, “I’ll tell you what I think I’d do. I think I’d make them a co-winner.

“I would recommend that they go have a beautiful ceremony, which is good for the brand and good for Miss Universe, and do a co-winner.

Sinang-ayunan naman ito ni Ariadna, ayon sa ulat ng Hollywood Life.

Ano naman kaya ang masasabi ni Pia tungkol dito?

Sagot ng third Pinay Miss Universe, “I think it would be a little bit difficult for two girls to share a crown.

“But I have high hopes that this will give great opportunities for me and Miss Colombia and the rest of the contestants."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Gayunman, nilinaw ni Pia na mabuti ang relasyon niya kay Ariadna.

“I did greet her on her birthday, which happened to be on Christmas day.

"So, I was able to ask her how she was doing. She seems like she's okay.

"I understand how she feels and I'm also concern with her.

"I know that she's a beautiful young lady and very talented.

"I think she'll have a lot of other opportunities. She'll do very well, I'm sure.”

Read: Miss Colombia on Miss Universe experience: "It was very humiliating for me."

UNDERSTANDING THE FANS. Dahil sa pagkakamali ni Steve sa announcement ng Miss Universe, nagkakaroon ngayon ng kaunting patutsadahan sa pagitan ng mga tagasuporta nina Ariadna at Pia.

Sa parte ni Pia, naiintindihan daw niya ang galit ng ilang fans ni Ariadna.

Pahayag niya, “I understand how they feel because, of course, they want their bet to win.

“That's completely understandable.

“If it was the other way around, I'm sure the Filipinos will also feel a little bit disappointed with the results.”

Kaugnay nito, kamakailan ay nakiusap si Pia sa fans na iwasan na ang pagsagot sa bashers.

Read: Miss Universe 2015 Pia Alonzo-Wurtzbach: “Huwag na po pumatol sa mga bashers. Nanalo na po tayo.”

Sa huli tinanong ay tinanong si Pia tungkol sa kanyang Miss Universe crown, na suot-suot niya habang ini-interview.

Nakangiting sagot niya: "Well, it's a little bit heavy, but I'm not complaining. It can stay there for a long time."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN