Ogie Alcasid dares wife Regine Velasquez to gatecrash a wedding in Boracay

Napagkatuwaan ng mag-asawang Ogie Alcasid at Regine Velasquez, kasama sina Michelle Van Eimeren at Mark Morrow, na mag-gatecrash sa isang wedding reception sa Boracay nitong nakaraang holiday season.


Aminado si Ogie Alcasid na siya ang may pakana sa pagge-gatecrash ng misis niyang si Regine Velasquez sa isang wedding reception sa Boracay nitong nakaraang holiday season.

Kasama nina Ogie at Regine na nagbakasyon sa Boracay ang unang asawa ng singer-songwriter na si Michelle Van Eimeren at ang second husband ng Australian beauty queen na si Mark Morrow.

Natatawang kuwento ni Ogie sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Kasalanan ko yun!

“Kasi, sabi ni Michelle at saka ni Mark, yung asawa niya, ‘O, may bar dun.’ Sa may dulo raw ng island.

“Saan dun, hindi naman namin alam.

“So, nilakad namin na ang layu-layo. May mga kuweba-kuweba pa.

“So, inabot namin. ‘A, ito pala yun.’

“Spider Bar or something, maganda naman siya.

“Siyempre pabalik, malayo, akyat na naman kami ng kuweba. Pero adventure na rin.

“E, may wedding, nagsasayawan. Parang bored yung mga tao.

“Nandoon sa beach, e.”

Si Ogie raw ang nang-dare kay Regine na mag-gatecrash.

“’Dare kita, umakyat ka dun.’ Umakyat ang lola mo!

“Actually, yung banda, naloka noong makita kami.

“E, sumasayaw-sayaw lang kami.

“So, si Regine, sumampa lang talaga siya [sa stage], gatecrash talaga.”

Noong sumampa na sa stage at kumanta si Regine, anong nangyari?

Natatawang sabi ni Ogie, “Iyakan yung ibang tao, yung mga bakla, nagwawala!

“Tapos, um-exit na kami. Gatecrash talaga kami.” 

Ano naman ang naging reaksiyon ng mga ikinasal?

“Umakyat din sila, nakisayaw… feeling ko, yun ang ikinasal, ha. 

“E, alam mo naman sa beach, simple lang ang mga suot, kaya hindi mo ma-determine.

“Masaya, nakakatuwa,” nakangiting sabi ni Ogie.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN