Aiza Seguerra reveals financial crisis in 2015

Aiza Seguerra on wife Liza Dino: "She knows this already, but she knows she’s my strength. She calms me. She gives me that solace na hindi ko nakikita sa kahit saan at sa kahit kanino. Kung gaano man kagulo ang mundo, kung gaano man kagulo ang utak ko minsan, all I need is to focus on her and I will be okay. So, thank you for being that sa akin.”


Nagpapasalamat si Aiza Seguerra sa Viva Communications Inc. at sa TV5  sa pagbibigay sa kanya ng trabaho bilang judge ng bagong Kapatid nationwide talent search at singing competition na Born To Be A Star.

Nakatakda itong umere tuwing Sabado ng gabi simula Pebrero 6.

Ang mga co-judges ni Aiza ay sina Pops Fernandez, Rico Blanco, at Andrew E.

Main host si Ogie Alcasid at magsisilbing co-hosts sina Yassi Pressman at Mark Bautista.

Ani Aiza, “Ako po, happy dahil, kumbaga, ika nga, pag may nawawala, mas dumarami ang dumarating.

"And of course, siyempre happy dahil I think ito ang pinakauna kong show for TV5. So, I’m happy that they’ve got me for this.

“So, yun, I’m very happy to have this opportunity and makasama ko sila [ang iba pang judges at hosts].”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang press si Aiza sa presscon ng Born To Be A Star  noong Lunes, Enero 4, sa Music Hall, Metrowalk Ortigas.

MONEY PROBLEMS OVER. Mahalaga kay Aiza ang pagkakaroon ng dagdag na mga trabaho ngayong taon dahil aminado siyang nakaranas sila ng hirap at financial problem ng asawa niyang si Liza Diño noong 2015.

Nagsimula ba ito noong mawala si Aiza sa ASAP?

Sagot niya, “No, before that pa, even before ASAP.

"Siyempre, one show cannot sustain us. Hindi enough.

“So, may mga nawala kaming shows. Ako, ilang gigs iyon na…

"Let’s say na the whole six months diretso, ang gigs ko, bilang sa kamay. Parang four, five, ganun.

“Si Liza, may mga soaps na medyo almost matutuloy pero hindi natuloy.”

Paano nila nalagpasan ang hirap na ito? Okay na sila ngayon?

Sagot muli ni Aiza, “Yes, right now we both have work.

"Iyon nga, our adobo business, medyo okay din naman.

"Noong una, hindi namin alam kung paano iha-handle kasi, all my life, sanay ako na kapag may problema ako, I keep it to myself.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"And hindi ko alam how to open up to her.

“So, there was a time na kami mismo nagkakaroon kami ng conflict dahil siyempre, kapag may problema ka, ang normal reaction mo, withdrawn ka, di ba?

“So, iyon. Pinag-usapan namin what’s the problem.

"Siyempre ako, parang feeling ko, bilang padre de pamilya, it’s my responsibility.

"Tapos biglang nagkakaroon ako ng problema doon, so sobrang nawindang ako.

“Pero Liza was so supportive of me. As in talagang she really held me together.”

CHALLENGING BUT FUN 2015. Paano ide-describe ni Aiza ang 2015 nilang mag-asawa?

Tugon niya,“Challenging but fun.

"Challenging because ang dami naming naging problems, especially finances.

“But fun because with Liza, she has this way of making things fun for me, na parang fun at the same time secured ako na kahit may problema kami, she’s there.

"At naramdaman ko na mas lalo kaming naging close dahil yung bond namin, mas lalong tumatag dahil doon namin na-realize na…

"Normally kasi, pag may problema tayo, sasarilinin ko ito.

“Ako kasi, sanay ako ng ganun, e.

"But mas lalo kaming nagdi-drift apart pala pag ganun.

"Pag may problema kami, we realize na we really have to share it with one another, kasi magkakaisyu kami kapag hindi.”

EXPECTATIONS FOR 2016. Paano niya ilalarawan ang pasok ng 2016 sa kanila?

Saad ni Aiza, “So far, so good, because I have Born To Be A Star.

"We have a promise of security sa finances for my family.

"I also have Princess In The Palace [in GMA], and may mga naka-schedule na shows din.

“So, happy ako dahil hindi pa man nakakabawi, pero alam mo yung kahit papaano nakakabayad.

"Siyempre bilang asawa, bilang padre de pamilya, gusto mo lang naman na ang pamilya mo, siyempre my mom and dad also, ay okay.

“Iyon lang naman iyon na parang I wish I had more so I can be sure they will be well taken cared of.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ano ang expectations ni Aiza for 2016?       

Lahad niya, “Sabi ko nga, I posted on my Facebook, sabi ko, I don’t usually expect. I don’t usually set goals.

“But for this year, I really want to direct my own film, be it a short or a feature.

"But I really want to start doing that, I really want to start directing my own movies or sa TV, basta to direct.

"I wanna get there.”

MESSAGE FOR LIZA. Ano ang nais sabihin ni Aiza kay Liza, na naging karamay niya sa hirap at saya?

“She knows this already, but she knows she’s my strength. She calms me.

“She gives me that solace na hindi ko nakikita sa kahit saan at sa kahit kanino.

"Kung gaano man kagulo ang mundo, kung gaano man kagulo ang utak ko minsan, all I need is to focus on her and I will be okay.

"So, thank you for being that sa akin.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN