Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach understands why Colombians are upset over her win

Miss Universe 2015 Pia Alonzo-Wurtzbach has a message to her Colombian bashers and to Miss Colombia Ariadna Gutierrez after the controversy that surrounded the Miss Universe pageant.


Hindi na bago kay Miss Universe 2015 Pia Alonzo Wurtzbach ang pagkakaroon ng bashers.

Ayon sa Filipino actress-beauty queen, may mga bumabatikos na sa kanya noon pa man.

“Wala, wala lang sa ‘kin.

"Hindi ako nagpapaapekto kasi siguro I’ve had my fair share of bashers, even way, way back.

“I choose my battles,”  pahayag ni Pia sa live phone interview sa kanya ng Umagang Kay Ganda ng ABS-CBN nitong Martes, January 5.

Kasalukuyang nasa New York si Pia upang opisyal nang simulan ang kanyang reign bilang bagong Miss Universe.

MESSAGE TO COLOMBIANS. Para naman sa Colombians na hindi pa rin matanggap ang pagbawi ng korona sa kanilang pambato na si Ariadna Gutierrez, ito ang mensahe ng ikatlong Pinay na nanalong Miss Universe:

“With these things, naiintindihan ko naman kung saan sila nanggagaling, na siyempre yung kababayan nila, na ganun ang nangyari.

"Siguro kung sa atin nangyari yun, maa-upset din tayo at magre-react din tayo nang ganun.

“So, naiintindihan ko naman."

Patuloy ni Pia, "Pero sana lang ma-realize nila na nagkamali lang talaga si Mr. Steve Harvey.

“He’s human, he made a mistake. It’s live television.

“I hope they understand that it was unintentional. It wasn’t our intention to hurt anybody."

Sabi pa niya tungkol kay Ariadna, "And I know Ariadna is beautiful and talented young lady, who will have a lot of opportunities.

“I really do and sincerely hope that she’s fine.”

Samantala, nagbigay rin ng reaksiyon si Pia sa pagsunog kamakailan ng isang Colombian ng effigy niya.

“Nabalitaan ko yun.

"Nung nag-research ako ng konti, nalaman ko na part pala ng culture nila na every New Year, sinusunog nila ang bad memories para hindi na maulit sa susunod na Bagong Taon.

“Kaya sa akin, hindi ako sanay sa ganoong tradisyon. Medyo bago siya para sa akin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Iyan ang ikinaganda ng Miss Universe, may matututunan ka tungkol sa customs sa ibang bansa.

“Yung iba medyo nakakagulat, pero ganun talaga.”

GREAT INJUSTICE. Sa hiwalay naman niyang interview sa US TV show na Entertainment Tonight nitong January 4 sa Amerika, sinabi ni Pia na nauunawaan niya si Ariadna sa pahayag nitong “great injustice” ang nangyari matapos bawiin ang Miss Universe crown sa kanya.

Pahayag ni Pia, “I understand if she feels that way.

"If the situation was the other way around, I think I’d feel the same way.

"I think that my supporters would feel the same way as well.

“I understand. She was hurting and I was also concerned for her.”

May mensahe rin si Pia para kay Miss Colombia:

“I hope she realizes that this will open doors for her. And I think she will go far. I know it hurts.”

Sa tanong naman kung willing ba siyang i-share ang korona kay Miss Colombia, ito ang sagot ng Pinay beauty queen:

“I think that it would be a challenge for two girls to share a crown. It was never done before.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN