SolGen backs SET ruling that Grace Poe is natural-born Filipino

Office of the Solicitor General on Sen. Grace Poe's citizenship: "Even on the assumption that the 1935 Constitution does not recognize foundlings as natural-born Filipinos en masse, private respondent should nonetheless be considered a natural-born citizen, given the facts of her case."


Kinatigan ng Office of the Solicitor General ang desisyon ng Senate Electoral Tribunal (SET) na ideklarang natural-born Filipino si Senator Grace Poe.

Kahapon, January 4, naglabas ng komento ang OSG patungkol sa pagkuwestiyon ni Rizalito Davit hinggil sa estado ng citizenship ng senadora, na kumakandidato bilang pangulo sa 2016 elections.

Dito ay idinetalye ng OSG ang konteksto ng deliberations noong 1934 Constitutional Convention, na nagsasabing ang “foundlings” o mga inabandonang bata ay maituturing na Filipino citizen.

Sabi sa komento ng OSG, na pirmado ni Solicitor General (SolGen) Florin Hilbay, “Regardless of whether foundlings be specifically mentioned in the proposed Constitution as Filipinos, the basis for considering them as such was the understanding that the rule under the Spanish Code which considered a foundling as 'the son of a Spaniard' was also the governing rule in the Philippines.”

Bunsod nito, pinabulaanan ng OSG ang alegasyong nagkamit ng “grave abuse of discretion” ang SET sa desisyon nitong ideklara si Poe bilang natural-born Filipino.

Paliwanag ng OSG, “Even on the assumption that the 1935 Constitution does not recognize foundlings as natural-born Filipinos en masse, private respondent should nonetheless be considered a natural-born citizen, given the facts of her case.

“Thus, the SET did not commit grave abuse of discretion when it held that the burden is on the petitioner to prove that private respondent is not a natural-born citizen.”

Sa kabilang banda, naglabas ng manifestation ang OSG na hindi ito makakapaghain ng komento upang depensahan ang desisyon ng Commission on Elections (Comelec) na kanselahin ang kandidatura ni Senator Grace sa 2016 elections.

Ito ay sa kadahilanang ang OSG ang kakatawan sa SET sa Supreme Court kaugnay ng estado ng citizenship ni Poe.

FACTS ABOUT SENATOR GRACE. Inililatag ng OSG ang detalye tungkol sa pagiging ampon ni Grace mula nang matagpuan ng nagngangalang Edgardo Militar ang noo’y sanggol pa na senadora sa Parish Church of Jaro sa Iloilo City noong September 3, 1968.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

September 6, 1968 nang ipinarehistro ni Militar ang inabandonang sanggol bilang Mary Grace Contreras Militar sa Office of the Local Civil Registrar.

Limang taong gulang si Grace nang siya ay legal na ampunin ng mag-asawang Ronald Allan Poe (aka Fernando Poe Jr.) at Susan Roces, base na rin sa desisyon ng Municipal Trial Court ng San Juan, Rizal, noong May 13, 1974.

Nang siya ay tumuntong ng 18 taong gulang, nagparehistro at nakatanggap ng voters’ ID si Grace mula sa Comelec.

Binigyan din umano si Grace ng Philippine passports ng Department of Foreign Affairs (DFA) para sa mga sumusunod na date of issuance: April 4, 1988; April 5, 1993; May 19, 1998; October 13, 2009; December 19, 20013; at March 18, 2014.

Nagtungo ng U.S. si Grace noong 1988 upang mag-aral ng kolehiyo, at siya ay nakatapos ng Bachelors Degree in Political Studies sa Boston College noong 1991.

July 27, 1991 nang ikasal si Grace sa kanyang mister na si Neil Llamanzares—na mayroong dual citizenship sa Pilipinas at sa U.S.—sa Sanctuario de San Jose Parish sa San Juan City, Metro Manila.

Agad ding bumalik ang bagong kasal sa U.S kung saan sila nanirahan.

Opisyal na naging naturalized American citizen si Grace noong October 18, 2001 at inisyuhan ng U.S. passport noong December 19, 2001.

Nagpasyang bumalik ng Pilipinas si Senator Poe at naisyuhan ng Tax Identification Number (TIN) noong July 22, 2005.

July 7, 2006 nang mag-execute si Grace ng “Oath of Allegiance” sa Republika ng Pilipinas, at saka naghain ng Reacquisition of Filipino Citizenship sa Bureau of Immigration (BI) noong July 10, 2006. Pormal itong inaprubahan ng BI noong July 18, 2006.

Nagamit pa ni Grace ang kanyang U.S. passport mula 2006 hanggang 2009 dahil noong panahong iyon ay mayroon pa siyang dual citizenship.

October 21, 2010 nang pormal na mag-execute si Grace ng "Affidavit of Renunciation of Allegiance to the United States of America" at "Renunciation of American Citizenship."

Pormal itong isinumite ng legal counsel ni Grace sa BI noong October 20, 2010.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ito ay alinsunod sa probisyon ng Presidential Decree No. 1986 na dapat ay natural-born Filipino ang may mga posisyon sa Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB).

Nanungkulan si Grace bilang chairperson ng MTRCB mula 2010 hanggang sa kumandidato siya at manalo bilang senadora noong 2013 elections.

STATUS OF POE’S DISQUALIFICATION CASE. Noong December 28, nag-isyu ang SC ng temporary restraining order kaugnay ng desisyon ng COMELEC na idiskwalipika si Poe sa presidential race sa 2016.

Kinumpirma rin ni SC Chief Justice Maria Lourdes Sereno na mananatili ang pangalan ni Poe sa balota sa 2016 elections.

Nakatakda ang pagdinig sa SC hinggil sa petisyon ni Poe na ibasura ang hiwalay na reklamo ni David sa January 19.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN