LJ Reyes, Paolo Contis spend Christmas in New York

LJ Reyes describes her holiday vacation with Paolo Contis and her family as her best Christmas and birthday present ever.


Hindi maitatangging patuloy ang pag-usbong ng magandang pagtitinginan sa pagitan ng rumored couple na sina LJ Reyes, 28, at Paolo Contis, 31.

Lalo pa’t sa kauna-unahang pagkakataon ay nagbahagi si LJ ng larawan kasama si Paolo at mga kaanak ng aktres via Instagram ngayong Martes, January 5.

Base rito ay kumpirmadong kasama ni LJ si Paolo na nagbakasyon sa New York nitong kakatapos lamang na Christmas vacation.

Makikita rin sa naturang larawan na nakaakbay si Paolo kay LJ; at nakaupo sa bandang kanan ni Paolo ang anak ni LJ kay Paulo Avelino na si Ethan Akio.

Kasama rin sa photo collage ang ina at nakatatandang kapatid ni LJ na nakabase sa New York.

Paglalarawan ni LJ tungkol sa bakasyon niya kasama ang pamilya at si Paolo: “The reason why traveling thousands of miles doesn't tire me out!

“Best Christmas and birthday present I got was to spend the holiday with them.

“Though time feels so short, every minute fills my heart with so much joy and love. Every second cherished far beyond what you call memory.

“For this, I am very grateful to God.”

Nagdiwang si LJ ng kanyang ika-28 na kaarawan noong December 25.

Hindi lingid sa kaalaman ng publiko ang pagkakamabutihan sa pagitan nina LJ at Paolo, base sa mga pagkakataong namataan sila na magka-date nitong mga nakaraang buwan.

Ngunit mailap si LJ sa tuwing tatanungin tungkol sa estado ng relasyon nila ni Paolo.

Gayunman, inamin ni LJ sa nakaraang panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang tungkol sa posibilidad na kasama niya si Paolo sa Christmas vacation ng aktres sa New York.

Read: LJ Reyes on official status with rumored suitor Paolo Contis: “Happy.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN