Cristine Reyes and Ali Khatibi to wed in a private ceremony this January

Cristine Reyes on having a church wedding: "Kung itong medyo private, medyo hirap nga kami, ang dami naming trabaho, ang dami naming ginagawa ni Ali, yung big wedding, baka mas stressful yun, sobra. Mas maraming kailangang asikasuhin dun.”


Ngayong January 2016 na magaganap ang civil wedding ng aktres na si Cristine Reyes at ng boyfriend at ama ng kanyang anak na si Ali Khatibi.

Isa raw pastor—hindi judge o mayor gaya ng lumabas na balita—ang magkakasal sa kanila.

May nararamdaman bang kaba si Cristine sa nalalapit nilang pagpapakasal?

Pahayag ng Kapamilya actress sa PEP.ph, “Kung meron man sigurong kaba, yung mga planning lang, yung isusuot ko, kung ano yung vows, yung ganun.”

Ayon pa kay Cristine, pribadong-pribado talaga ang kasal nila ni Ali.

Ang naroroon lang daw ay: “Ako, si Ali, at yung pastor.”

Wala raw silang kasamang miyembro ng pamilya nila, kahit ang kanyang ate na si Ara Mina.

Paliwanag ni Cristine, “Kasi, ano lang talaga siya, para lang ma-legalize namin, ma-bless ang pagsasama namin.”

Naiintindihan naman daw ng mga magulang nila ni Ali kung wala ang mga ito sa private wedding nila ngayong buwan.

Sabi ni Cristine, “Alam naman nila. Sila rin mismo ang gusto na legalized na, blessed na rin kami.”

Tumanggi namang sabihin ni Cristine kung saan magaganap ang private wedding nila ni Ali, maliban sa isang beach daw ito.

“Ayoko nang banggitin, nagbayad kami dun, e.”

Pero ang petsa ng kanilang private wedding ay sa January 27.

CHURCH WEDDING. Ngunit tiniyak naman ni Cristine na magkakaroon din sila ng church wedding, kung saan imbitado na ang kanilang mga pamilya at mga kaibigan.

Ngayong taon din ba gaganapin ang church wedding nila?

“Hopefully,” sambit ni Cristine.

“Kasi, kung itong medyo private, medyo hirap nga kami, ang dami naming trabaho, ang dami naming ginagawa ni Ali, yung big wedding, baka mas stressful yun, sobra.

“Mas maraming kailangang asikasuhin dun.”

 Itinanggi naman ni Cristine na may problema o disgusto ang pamilya niya kay Ali.

“Okey naman, wala namang problema.

“Last Christmas, magkakasama kaming lahat.

“Every time, pumupunta naman ang family ko sa bahay, dumadalaw sila.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Mahilig talaga sa bata si Cristine. Posible kayang masundan na ang anak nilang si Amarah?

“Ganun? Naku, huwag muna!

“Gusto ko, pero huwag muna ngayon.

“Kasi ano, e, gusto ko munang maka-relax muna ang katawan ko bago ulit.”

NO MORE DARING ROLES? Ngayong ikakasal na siya, magkakaroon na ba siya ng limitasyon sa pagtanggap ng mga proyekto?

Tugon ni Cristine, “Siyempre, hoping ako na mas maraming trabaho. Mas marami, mas okey.”

Mawawala na ba ang pagpapa-sexy niya?

“Depende po siguro yun sa project.”

Hindi ba nagiging isyu ang pagpapaseksi niya kay Ali?

Ayon kay Cristine, “Si Ali, ano naman siya, maintindihin naman siya sa mga bagay-bagay.

“At kung ma-explain mo naman sa kanya nang maganda ang project na ‘to, I’m sure approve naman sa kanya yun if ever.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN