Pops Fernandez says it's her personal choice to lie low from showbiz

Pops Fernandez on producing a show for AlDub: "I think a lot of people would like to produce them, di ba? But it's really their availability and if they can do it throughout their busy schedules. It would be like a dream if ever, lalo na ngayon to be able to produce them."


Hindi na masyadong aktibo si Pops Fernandez sa showbiz.

Dati, siya ang bumibida sa shows bilang Concert Queen. Pero ngayon, mas madalas na siya sa likod ng camera bilang producer ng shows at concerts.

Kaya natuwa ang ilang miyembro ng entertainment press nang makita si Pops sa presscon ng bagong reality singing contest ng TV5 at Viva, ang Born To Be A Star, kunsaan isa siya sa mga judge.

"Well, hindi ako makahindi kay Boss Vic [del Rosario]," sagot ni Pops nang tanungin kung bakit napapayag siyang maging isa sa mga hurado sa programa.

Bilang mentor/judge, ano ang mga kaalaman na kaya niyang ibahagi?

Tugon ni Pops, "Siguro nga yung mga things lang on what they should watch out for and to be able to give them courage.

"Kasi minsan, magaling ka, pero takot ka.

"It's so hard to push yourself to keep on going.

"And even if you're not chosen, it doesn't mean your dream or your career ends there."

LIE LOW IN SHOWBIZ. Inamin din ni Pops na personal choice niyang medyo mag-lie low sa showbiz.

??Yeah, it??s pretty much like having my time for myself, my family.

"At, yun na nga, na-realize ko na nung last trip namin, oo nga, baka mamayang konti, mag-asawa na ang mga anak ko. I didn??t get to spend much time with them.

??Siyempre, I??m making up for the time na sobra akong busy.

"I??m enjoying this and every so often, I get to produce and do some other businesses.

"Okey naman ako. This is good and it??s part of my forte, talking and commenting,?? saad ni Pops.

Magiging aktibo bang muli si Pops at ire-reclaim ang titulo niyang Concert Queen?

Sagot niya, ??No. I think I just really wanna do what I... well, siguro if I??ll miss it.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

??I don??t say naman that I don??t wanna sing again because I still do, right?

"Again, hindi kasi ako masyadong visible sa TV, so it??s very hard for me to come out in a show and sell tickets.

??Siyempre, alam ko naman na hindi ako ganun ka-visible, so it??s going to be very hard.??

BEING ACTIVE AGAIN. Puwede bang maging daan ang pagiging judge ni Pops sa Born To Be A Star para maging aktibo siyang muli sa showbiz?

Tugon niya, ??Let??s see where it takes me, but I still wanna produce pa rin on the side.

"Let??s see? again, there??s certain things in our lives na hindi natin plinano pero nangyayari.??

Maglalabas pa ba siya ng bagong album?

??Ayoko na yata,?? nakangiting sabi ni Pops.

Bakit parang ang aga niyang nagsawa?

Paglilinaw niya, ??Hindi naman ako nagsawa.

??Again, hindi ako nagsawa or whatever.

"Siguro, I wanna place myself on a different business naman.??

May balak ba si Pops na mag-produce ng show para sa AlDub (Alden Richards at Maine Mendoza) love team?

Tugon niya, ??Naku, makukuha ba natin si AlDub? Baka mahirapan tayo.

??I think a lot of people would like to produce them, di ba?

"But it??s really their availability and if they can do it throughout their busy schedules.

??It would be like a dream if ever, lalo na ngayon, to be able to produce them.??

PROUD OF FILIPINO SINGERS. Sino sa bagong singers ang gusto ni Pops na ipagprodyus ng show?

Tugon niya, ??Alam mo, honestly, hindi ako masyadong nanonood.

"Pero ang alam ko kasi, through all the travels and everything...

"There are times kasi we go to certain clubs, nakikita ko, puro Pinoy talaga ang performers.

??Napakagaling talaga ng mga Pinoy, alam mo yun.

??Lalung-lalo na nga, Filipinos are more exposed because of those singing contests internationally and, tapos nga, because of the chance to be able to post on the Net.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

??I??m so happy na nakikita talaga ang Filipino talents. Parang ngayon, naha-happy ako.

"Kapag sinabing Pinoy, ??Ay, ang galing kumanta niyan. Ang ganda niyan.??

"Kasi lately, di ba, nagwawagi rin tayo sa beauty department, sa mga beauty competitions?

??So, mas nakikilala talaga ang Philippines in a very positive way, di ba???


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN