Cristine Reyes admits motherhood changed her for the better

Cristine Reyes on how happy she feels: "Hindi ko masagot in a scale of one to ten. Basta ang masasabi ko na lang, kuntento ako sa ngayon.”

 


Maging ang mga katrabaho ni Cristine Reyes ay nakita ang malaking pagbabago sa aktres mula nang maging ina ito sa anak nila ni Ali Khatibi.

Ayon sa direktor ng pelikulang Lumayo Ka Nga Sa Akin na si Chris Martinez, mas nice, professional, at prepared na palagi si Cristine sa set.

Ibang-iba na raw si Cristine. Nagpapasalamat nga raw ang direktor na nakatrabaho niya muli ang aktres.

Natawa naman si Cristine nang hingan siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ng reaksiyon sa naging paglalarawan sa kanya ngayon ni Dirfek Chris.

"Nagulat ako! Direk Chris!

"Sabi ko nga sa kanya, 'Direk, bakit, di ba ako okey sa The Gifted? So far naman, okey tayo, a!'

"Pero sabi naman niya, nice at nicer daw ngayon.

"I guess, nakita niya rin na mas siguro nagkaroon ng direction ang life ko as a mom.

"Right now kasi, hindi na ako happy-go-lucky na kung ano ang meron.

"Sa ngayon, iniisip ko siyempre ang future ko, future ni Amarah, future ng family namin.

"So, I guess, doon nagkakaroon ng direction ang buhay. So, yun."

MOTHERHOOD BECOMES CRISTINE. Ano ang realizations ni Cristine bilang ina?

"Wala naman. Actually, noong nag-stop ako for work, nag-leave ako for work because I'm pregnant.

"Sinavor ko yung time na yun na pregnant ako.

"Parang feeling ko, ang sarap ng feeling ng buntis. You're carrying your own baby.

"Sobrang miraculous siya. Essence of a woman."

May nami-miss ba siya sa pagiging dalaga?

"Siguro ang nakaka-miss sa pagiging dalaga lang, yung wala kang iniisip, yun lang.

"Pero the rest, I mean, parang walang kabuluhan kapag dalaga.

"Well, that's true talaga.

"Iisipin mo lang palagi, sarili mo, sarili mo."

Mas nae-enjoy raw niya ngayon ang baby nila ni Ali.

Kuwento ni Cristine, "Ngayon, nakakasama ko na siyang mag-shopping, nakakasama ko na siyang kumain sa labas

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ay, grabe, ang cute niyang kasama!"

ALI KHATIBI AS PARTNER. Ngayong buwan ay magiging legal na ang pagsasama nila ni Ali Khatibi dahil magkakaroon sila ng private wedding.

Hindi na kaya makita si Cristine sa FHM, ang men's magazine kung saan hindi siya nawawala sa Sexiest Women list?

Natatawang sabi niya, "A, hindi ko alam!

"Kung kaya, bakit hindi? Pero hindi ko alam.

"I mean, ayokong magsalita nang tapos."

Guwapo ang magiging mister niya at lapitin si Cristine ng mga lalaki. Wala ba silang selosan?

Saad ng Kapamilya actress, "Yung selosan sa ngayon, ano na lang, parang biruan lang.

"Hindi na siya yung selosan na away talaga.

"I mean, parang nagiging biruan na lang."

Sino ang mas seloso sa kanila?

"O, sige, aminin ko na, ako!" natawang sabi ni Cristine.

Kumusta naman si Ali bilang partner?

"Sige, hindi ko na sasabihing mabait, kasi given na yun.

"He's trying his best to be a responsible dad and partner.

"Tumatayo siya bilang padre de familia sa ngayon. Malambing."

Nag-aalaga ba si Ali ng anak nila?

"Oo, minsan nag-aagawan pa kami."

Gaano siya kasaya ngayon?

"Hindi ko masagot in a scale of one to ten. Basta ang masasabi ko na lang, kuntento ako sa ngayon," sabi ni Cristine.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN