Samantha Lopez left empty-handed after divorcing rich husband

Samantha Lopez on why she left her rich husband: "Let's put it this way, na habang may respeto pa kami sa isa't isa... dapat ang relationship, yung partner mo should bring out the best in you."


Hanggang third week ngayong January mananatili sa Pilipinas si Samantha Lopez, ang dating sexy star na matagal nang based sa New York.

Ginagawa niya ang teleseryeng Bakit Manipis Ang Ulap para sa TV5, kung saan bida sina Claudine Barretto, Diether Ocampo, at Cesar Montano.

Sa exclusive interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Samantha bago matapos ang 2015, sinabi niyang umuwi siya ng Pilipinas hindi lang para rito idaos ang Kapaskuhan kundi para gumawa ng acting project na matagal na niyang isinantabi.

Ikinuwento ni Samantha kung paano napunta sa kanya ang role bilang sosyal na tiyahin ni Claudine sa Bakit Manipis Ang Ulap.

"Nagkita kami ni Boss Vic [del Rosario, Viva Entertainment head]. Nag-dinner kami sa New York.

"Anyway, nabanggit ko na uuwi ako [ng Pilipinas] kasi may wedding akong a-attend-an.

"Middle ng dinner namin, siguro naisip niya yung role, yung teleserye.

"Sabi niya, 'Mag-guest ka naman sa serye ni Claudine.'

"Sabi ko, 'Boss Vic, hindi na ako umaarte. Live na lang.'

"Sabi niya, 'Hindi, sa acting na lang sa TV5.'

"Sabi ko naman, 'May mga live shows diyan. Sa live na lang ako.'

"Sabi niya, 'Sige na, bagay sa iyo ang role.'

Sabi ko, 'Ha?!' Hanggang patapos na ang dinner, inulit niya uli. Sinabihan din niya si Josa [Joanne Quintas].

"Tinawagan ko si Arnold Vegafria [manager ni Samantha]. Sabi ko, 'Arnold, may alok sa akin si Boss Vic.'

"Sabi niya, 'Go! As a matter of fact, gawin natin every year.'"

Nasa script daw ng pilot episode si Samantha kaya kailangang tapusin niya ang teleserye bago siya umalis.

PRENUP. Wala raw talagang plano si Samantha na bumalik sa Pilipinas at balikan ang acting.

Saad niya, "No... well, unless meron akong stable [source of income] na every month may ginagawa ako or kikitain.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kasi back to zero ako. I'm a real estate broker."

Totoo bang kaya ayaw na niyang bumalik sa Pilipinas dahil nakakuha siya ng malaking halaga sa conjugal properties settlement pagkatapos nilang maghiwalay ng business tycoon na si Warren Edwards?

"No... may prenup kami, 'no!" mariin niyang tanggi.

Ang ibig sabihin nito ay walang habol si Samantha sa ari-arian ng asawa kapag nag-divorce sila.

Bakit siya pumayag sa prenup?

"E, baliw, e! In love, e," nakangiti niyang sabi.

Wala raw kahit na anong natanggap si Samantha sa loob ng maraming taon nilang pagsasama ng dating asawa.

"You know what, noong una, parang kasi I deserve it.

"Pag more than ten years kayong mag-asawa, kung ano yung kanya, akin din.

"Pero from what I've been through, para lang makuha ko yung freedom ko... kasi ako yung umalis, e.

"One thing I've learned is that freedom is priceless."

TEN YEARS. Naging masaya ba siya siya sa loob ng higit sampung taon nilang pagsasama ng dating asawa?

Sagot ni Samantha,"Of course, naging masaya naman ako.

"Hindi naman ako tatagal ng ganun kung hindi ako masaya.

"Actually, eleven years kaming magkasama noong maging kami. Seven years kaming kasal.

"No, walang third party.

"Hindi ko puwedeng i-specify, idetalye kung ano [ang rason ng hiwalayan]. Marami, e."

Hindi ba siya nanghinayang sa ginugol niyang maraming taon sa piling ng isang tao na wala siyang kalayaan?

Saad niya, "Well, nanghinayang. Three years ako nagtiyaga.

"And it came to a point na hindi mo na kaya because nawala na yung sarili mo, at pati ang sarili mo, hindi mo na kilala.

"Mahirap kasing manatili ka sa isang sitwasyon just because kailangan."

Niliinaw ni Samantha na hindi sila nag-diborsiyo ng asawa dahil sa verbal or physical abuse.

"In fairness, it was just really more of parang I fell out of love.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Nawalan na kami ng... let's put it this way, na habang may respeto pa kami sa isa't isa, na dapat ang respeto dahil dapat ang relationship, yung partner mo should bring out the best in you.

"Hindi ko pinaabot na he'll bring out the worst in me and I'll bring out the worst in him.

"Kasi aabot na magkakasakitan na kayo. So, habang may respeto at konting pagmamahal...

"We still love each other, but ako mismo, I fell out of love.

"Ako ang nang-iwan. Ako yung humiwalay."

Mayaman na sana si Samantha kung nagkaroon siya ng parte sa kung anuman mayroon ang dating asawa.

Sabi niya, "Naging ganun na ako as Mrs. Edwards. I mean, not naman like I'm really wealthy.

"Of course, mas maganda ang buhay ko kaysa noon."

CHILDLESS. Nagpapasalamat ba siya at hindi siya nagkaroon ng anak?

Tugon ni Samantha, "Yes, ang hirap.

"Yung aso nga naming dalawa, ang hirap-hirap na.

"Yung ako nga lang mapahiwalay, ang hirap-hirap na.

"What more kung meron kaming anak?"

Choice ba ni Samantha na hindi magkaanak sa dating asawa?

"Actually, isa sa reasons yun kung bakit yung intimacy, nabawasan.

"May anak din siya sa first girlfriend niya. Ako rin naman, may daughter.

"Ayaw na niyang magkaanak pa."

Ayon kay Samantha, mas okey ang samahan nila ngayon ng dating asawa.

"We're finally good now.

"Kasi finally, pinirmahan na niya yung divorce papers and finally we're divorced now.

"I'm civil naman with him."

Inamin ni Samantha na naghabol siya sa conjugal separation of properties nila.

"Not in the court. I tried.

"Kasi I sought professional advice from a divorce lawyer.

"Pero masyadong maano yung prenup namin. Hindi ko naiintindihan yun before.

"Wala akong habol talaga."

FREE AGAIN. Wala raw boyfriend ngayon si Samantha at ayaw pa niyang pumasok sa panibagong relasyon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi na raw siya umaasang magkakabalikan pa sila ng dating asawa.

"No, no. Divorced na kami."

Masaya na raw siya sa kanyang estado.

"I'm enjoying my freedom. Nag-e-enjoy ako na marami akong boys.

"Kasi eleven years, isa lang, di ba?

"Hindi naman sa naglalaro. I'm enjoying and happy being single.

"I'm happy spending time with friends, with myself na wala kang ibang responsibility."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN