Angel Locsin and Luis Manzano celebrate New Year together with their families

“Family meets family,” Angel Locsin said on the caption of her Instagram photo showing her family with boyfriend Luis Manzano's family, including mom Batangas Governor Vilma Santos.


Natuwa ang karamihan ng Instagram followers ni Angel Locsin sa larawang nai-post niya, kung saan makikitang magkasama ang kanyang pamilya at ang pamilya ng boyfriend niyang si Luis Manzano.

Sa naturang larawan, makikita ang ama ni Angel na si Angel Colmenares at kapatid niyang si Angelo; kasama ang ina ni Luis na si Batangas Governor Vilma Santos, ang stepfather niyang si Senator Ralph Recto, at kapatid na si Ryan Christian.

Ang tanging caption lamang ng Kapamilya actress dito ay: "Family meets family."

Family meets family??

A photo posted by Angel Locsin (@therealangellocsin) on

Dahil dito, may ilan tuloy sa followers ni Angel ang nagtanong kung isa na itong pamamanhikan.

Pero ayon sa ilang nag-comment, kuha ang larawan nang ipagdiwang nina Angel at Luis ang pagpasok ng Bagong Taon.

Kaugnay ng comment na ito, nauna ring nag-post si Angel ng larawan kung saan kasama nila ni Luis ang ama niyang si Edu Manzano at mga kapatid na sina Enzo at Adi.

Sabi pa ng aktres sa caption: "Spent an amazing week before Christmas with the beautiful Manzanos who were gracious enough to include me on their family trip."

Matatandaang bago ang mga kaganapang ito, nanggaling muna sina Angel at Luis sa kanilang bakasyon sa Amerika, kung saan nanood sila ng isang UFC match, bumisita sa Las Vegas, at biglaang trip sa Caribbean.

Lovin' the energy @ufc ??? #rockholdvsweidman #aldovsmcgregor @danawhiteufc

A photo posted by Angel Locsin (@therealangellocsin) on

O.. Turistang-turista lang kami dito o.. ????? #sigelookuppa

A photo posted by Angel Locsin (@therealangellocsin) on

Spontaneous trip to the Caribbean??

A photo posted by Angel Locsin (@therealangellocsin) on


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN