Aiza Seguerra and Liza Diño react to 'homophobic' comments about them

Liza Dino: "Nakakalungkot isipin how religion can lead to hatred, animosity, and discrimination when our spirituality is supposed to enhance our lives and make us better persons."


Sa isang presscon ngayong linggo, nabanggit ni Aiza Seguerra na balak nila ng asawang si Liza Diño na magkaroon ng anak ngayong taon sa pamamagitan ng IVF o In Vitro Fertilization.

Kailangan daw nila itong pag-ipunan dahil sa Amerika pa ito gagawin at kailangan nila ng karampatang halaga para sa dalawang buwang pamamalagi doon.

Read: Aiza Seguerra and wife Liza Dino bent on having a baby via IVF

Pero hindi nakalusot sa mga "righteous" kung tawagin ang rebelasyong ito ng Princess In The Palace star.

Maraming negatibong komento ang bumuhos sa Facebook na ibinahagi naman ni Aiza sa kanyang Instagram.

Mga bastos na salita ang ilan sa mga ito.

Tanging sabi lang ni Aiza tungkol dito: "Ibang klase ang usapan ninyo. Palakpakan!"

Ibang klase ang usapan ninyo. Palakpakan!

A photo posted by CY Diño Seguerra (@cyseguerra) on

Sa comments section, marami ang nagpayo kay Aiza na huwag na lang pansinin ang mga bastos na komento.

Pero sagot niya, "Most of the time hindi ko sila pinapansin, pero minsan kailangan din namin ipakita kung anong ginagawa sa amin ng ibang tao."

RESPECT. Kaagad ding naghayag ng kanyang saloobin si Liza tungkol sa mga negatibong komento na ito ng netizens.

Sa Facebook, nanawagan si Liza na irespeto ng mga tao sa kanilang napiling buhay ni Aiza.

Saad ng aktres, "Aiza had a presscon this morning for his new show Born To Be A Star and our plans to undergo IVF soon was mentioned.

"And every time something like this comes up, naglalabasan ang lahat ng mga homophobic at nagpipiyesta sa mga negative comments kasama ng mga self-righteous na may mga baong Bible quotations.

"Tao lang ako at oo, binabasa ko ang mga comments nila.

"Dati umiiyak ako, lalo pag below the belt na ang mga sinasabi.

"Yung tipong ipapa-rape nila kami o kaya titirahin nila ako para makatikim daw ako ng lalaki.

"But napansin ko today... hindi na ako ganun kaapektado.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Masakit pa rin yung iba, pero mas natatawa ako sa mga sinasabi nila."

Sabi ni Liza, mas nag-mature na siya ngayon bilang tao.

Umaasa rin siyang mas lalo pang mabigyan ng puwang at respeto sa lipunan ang karapatan ng LGBT (Lesbian, Gay, Bisexual, Transgender) community.

"January 8 marks our first wedding anniversary dito sa Pilipinas.

"Maraming nangyari at marami kaming pinagdaanang mag-asawa para sa hangarin naming mamuhay nang normal katulad ng iba.

"I have evolved and matured as a human being. Mas naging compassionate ako at bukas sa pananaw ng iba.

"Natuto akong maging assertive kesa maging defensive pagdating sa mga ganitong usapin.

"But at the same time, mas lalo kong nakita ang kahalagahan ng ginawa namin para kilalanin ang karapatan ng mga LGBT dito sa Pilipinas.

"Nakakalungkot isipin how 'religion' can lead to hatred, animosity, and discrimination when our spirituality is supposed to enhance our lives and make us better persons.

"Tsk tsk. 2016 na. Walang mawawala sa 'yo kung rerespetuhin mo ang karapatan ng bawat isa. #lovewins #respect #outandproud"

Umani naman ng positibong reaksiyon mula sa Facebook friends and followers ni Liza ang post niyang ito. Kaya naman malaki ang pasasalamat niya sa kanila.

Sabi niya, "WOOOW! Good morning sa inyong lahat! MARAMING MARAMING SALAMAT sa buhos ng pagmamahal at suporta. Nakakataba ng puso. Wow, grabe... napaka-empowering ng mga comments ninyo.

"Malaking bagay para sa amin ang maramdaman na marami tayong naninindigan para kilalanin ang karapatan ng mga LGBT na bigyan ng karampatang respeto sa desisyon naming mamuhay nang normal.

"Sobrang thank you mula sa pamilya naming laging nandiyan, sa mga kaibigan namin na sumusuporta, at sa media na kahit kailan hindi namin naramdaman na diniscriminate kami... it means a lot to us na maramdaman ang suporta ninyo.

"Sobrang salamat. This is not just for us....pinapatibay ninyo ang loob ng iba pang LGBT na natatakot mag-come out dahil sa sasabihin ng iba.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"There is hope...for diversity. Tuloy ang laban...#lovewins."

Aiza had a presscon this morning for his new show "Born To Be a Star" and our plans to undergo IVF soon was mentioned....

Posted by Liza Diño-Seguerra on Monday, January 4, 2016


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN