Binay, Poe, Roxas named as top TV ad spenders in 2015

Presidential candidates for 2016 elections Jejomar Binay, Grace Poe, and Mar Roxas are listed as top TV ad spenders, according to Nielsen Advertising Information Service's report.


Nangunguna ang tatlong presidential candidates na sina Vice President Jejomar Binay, Senator Grace Poe, at former Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Mar Roxas sa pinakamataas na ginasta para sa television commercials.

Base ito sa datos na nakalap ng Nielsen Philippines Advertising Information Service (AIS) mula January hanggang November 2015.

Una na rito si Binay na gumasta ng P595,712,579 para sa television ads.

Pumapangalawa si Poe na nagbayad ng halagang P448,165,555.

Sumunod si Roxas na gumasta ng P424,869,740 para sa naturang time period.

Halos hindi nagkakalayo ang kabuuang halaga na ginasta ng tatlo para sa television ads.

Habang ang isa pang presidentiable na si Davao City Mayor Rodrigo Duterte ay nagbayad ng P115,423,468.

Si Senator Miriam Defensor-Santiago, na kabilang sa kandidato bilang presidente sa 2016 elections, ay walang naitalang gastos para sa TV ads.

TV AD EXPENSES OF VP BETS. Para sa mga kakandidato naman bilang bise presidente sa 2016 elections, nangunguna si Senator Alan Peter Cayetano na nagbayad ng 398,287,695 para sa television ads.

Sumunod si Senator Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. na gumasta ng P103,428,819.

Pangatlo si Camarines Sur Third District Representative Leni Robredo na nagbayad ng P91,602,241.

Si Senator Francis "Chiz" Escudero ay may naitalang gastos na P30,000 para sa television ads.

Ayon sa ulat ng GMA News Online, hiwalay pa rito ang ginastang P49,468,063 ng pambatong tambalan ng Liberal Party na sina Roxas at Robredo.

Maging ang tambalan nina VP Binay at Senator Gregorio "Gringo" Honasan II ng United Nationalist Alliance (UNA) ay mayroong hiwalay na gastos na nagkakahalaga ng P43,579,752 para sa television ads.

PULSE ASIA DECEMBER 2015 POLL. Matatandaang si Binay ang una sa listahan ng preferred presidential candidates, base sa huling Pulse Asia poll na isinagawa noong December 4 to 11 noong 2015.

Parehong nasa ikalawang puwesto sina Duterte at Poe na hindi nagkakalayo ang nakuhang share of votes sa naturang preferred presidential candidate poll.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sumunod sa kanila si Roxas, habang si Santiago ay nahuhuli sa kanilang lima sa isinagawang survey ng Pulse Asia.

Read: Jejomar Binay regains lead in presidential poll

Samantala, si Escudero, na nakakuha ng 29 percent share of votes, ang nangunguna sa preferred vice presidential poll na isinagawa ng Pulse Asia mula December 4 to 11.

Nasa ikalawang puwesto si Marcos na mayroong 23 percent share of votes.

Pangatlo si Cayetano na mayroong 18 percent share of votes, habang si Robredo ay mayroong 14 percent share of votes.

SEPARATE REPORT SAYS ROXAS IS TOP AD SPENDER. Sa hiwalay na ulat ng The Manila Times online news site kahapon, January 5, nailathala na si Roxas ang mayroong pinakamataas na ginasta para sa political ads.

Base umano ito sa nakalap na impormasyon ng Nielsen mula January hanggang December 2015.

Dito ay sinasabing gumasta si Roxas ng P774 million, habang si Binay ay nagbayad ng P695 million para sa campaign ads.

Pumangatlo naman si Poe na nagbayad ng halagang P694 million, at pang-apat sa puwesto si Duterte na gumasta ng P129 million para sa campaign ads mula January hanggang December 2015.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN