Ryza Cenon admits budding romance with celebrity chef Tristan Encarnacion

Ryza Cenon blooms in love with chef Tristan Encarnacion, son of the late famous hairstylist Jun Encarnacion.


Sa timeline ng Kapuso actress na si Ryza Cenon sa Facebook ay may mga larawan silang magkasama ng celebrity chef na si Tristan Encarnacion.

Si Tristan, 36, ay anak ng yumaong beauty expert na si Jun Encarnacion.

Intriguing ang caption ni Ryza, 28, sa nasabing post:

"My friend, My best friend, My mentor, My enemy, My brother, My bodyguard, My chef and also My one and only love.

"Thank you for knowing when to set me straight, and for telling me when you think I'm wrong.

"The moments you make it clear that you are proud of me. Whether it's a big grin after I've done something impressive or the way you present me to others like royalty, it means so much to me.

"Thank you also for being vulnerable and open to me.

"I know as a man that can be very difficult to do, but it's developed a closeness that I value each moment I spend with you. Love you hon."

Sa pakikipag-usap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Ryza, via private messaging sa Facebook, ay inusisa namin kung saan at paano sila nagkakilala ni Tristan.

Lahad ng Kapuso actress, "Nagkakilala kami kasi friend po siya ng tita ko.

"Then nag-workshop po ako sa kanya, sa Italian cuisine lang po, mga five days lang po.

"Matagal na rin kami magkakilala. Pero before kasi, hi-hello lang."

Gaano na katagal ang relasyon nila?

"Wala pang months, as in bago lang po, bago lang naging kami."

Ano ang pinaka nagustuhan ni Ryza kay Tristan?

"Sobrang haba ng pasensiya, gentleman, saka napakabait.

"Parang version ko yung ugali niya."

Nang tanungin naman ng PEP kung ano ang pinaka nagustuhan ni Tristan kay Ryza, ipinasa ng aktres sa amin ang sagot ng celebrity chef:

"What I liked about her, she made me closer to God, made my life worth living. Basically everything about her that made me love her and loving her more and more each day."

Pagkumpirma ni Ryza, "Si Tristan po sumagot niyan."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WEDDING TALKS. Inamin ni Ryza na napag-uusapan na rin nila ang tungkol sa pagpapakasal.

"Yes, napag-uusapan namin, kasi nasa age na rin kami para pag-usapan ang mga ganung bagay."

Sa tingin ba ni Ryza ay si Tristan na ang "the one" para sa kanya?

Tugon niya, "I hope siya na yung the one, I'm getting older na rin."

Isang mahusay at kilalang chef si Tristan, na nagtuturo rin sa CCA.

Sabi ni Ryza tungkol sa kanyang boyfriend, "I'm proud of him, sa mga narating niya sa pagiging chef."

Tungkol naman sa pagkakaroon ng relasyon dati ni Tristan at ng comedienne na si Ethel Booba, sabi ni Ryza, "No comment, past na yun."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN